Friday, August 14, 2009

A Freind's Lost

August 12, 2009. I received a very sad SMS from Joe telling me the news that Matthew’s dad had passed away early morning of Wednesday. If I remember, it was just last month when his dad was diagnosed with cancer, from then on, the doctor gave him at least 3 years to live on. Naisip ko nung time na yon, na napaka ikli ng 3 years, kasya na ba talaga ang tatlong taong palugit para i-enjoy nila ang daddy nila? Pero ang nakakagulat, iniwan na sila after a month pa lang.

Last night, I went to the wake. But before that, nag-prepare kami ni Joe and Desmond ng dinner para sa 20 persons. I am no good in cooking kaya tumulong na lang ako sa packaging ng food na sobrang rush kasi they started cooking at 7PM na. On our way to the Singapore Casket, (me, Joe and Desmond), napag-usapan si Matthew na wala pa din daw tigil sa pag-iyak. True enough, dumating kami sa venue at nadatnan namin si Matthew na tulala. Sa mga ganong oras, hindi ko alam kung ano ba ang magandang approach sa isang kaibigan na nawalan ng mahal sa buhay. Walang kasing sakit. Habang kumakain kami ng dinner, walang tigil si Matt sa pag-iyak. Nakita ko sa kanya yung kinakatakutan kong oras. Hindi ako madalas magpunta sa wake, dahil unang-una, sinusumpong ang sakit ko kapag nakakakita ako ng ataul. It never failed me, kagabi, matinding sakit ng ulo na naman ang inabot ko. But aside sa maliit na problema ko, mas naaagaw ng attention ko yung lungkot sa mata ng mga naulila, especially yung kaibigan ko na nakilala ko bilang isang masayahin at palangiting tao. Kagabi, tulo lang ng tulo ang luha nya. Halos hindi ako makahinga sa nakikita ko, natatakot ako sa bulaklak, natatakot ako sa amoy, natatakot ako sa luha, natatakot ako sa gabing yon.

Nung pauwi na ako ng bahay around 9:30PM, habang naghihintay ako ng bus na sasakyan, napaisip ako na 60 years old na nga pala si Mama, at si Papa naman 59 years old na. Bigla kong tinanong ang sarili ko kung bakit ako nasa Singapore. Hindi ba dapat nasa tabi na lang ako ng mga magulang ko para maiparamdam ko sa kanila na nandito ako para sa kanila? Na hindi ba dapat ako na lang ang driver ng nanay ko na araw-araw nagda-drive ng 80 kilometers papasok sa office nya? Hindi ba dapat ako na lang ang nag-iisip ng gustong iwang negosyo ng tatay ko sa dalawa kong nakakabatang kapatid para naman mabawasan sya ng iniintindi? Tumatanda na pala si mama at si papa, halos hindi ko namalayan. Bigla tuloy ako nahirapang intindihin kung bakit ang layo-layo ko sa kanila. Di bale sana kung limpak na limpak na dolyar ang sweldo ko, pero hindi naman ganon ang sitwasyon.
Purpose driven life nga naman.

2 comments:

Anonymous said...

mai says: yes,that's true, mas importante sa lahat at napakasarap ng pakiramdam yung mga oras na kapiling mo ang mga mahal mo sa buhay, andun ka para sa kanila. Talagang hindi mo masasabi ang buhay ng tao :(

Potchie said...

i agree.

They