August 13, 2009 - Thursday. Super rushed na shopping ang ginawa ko after work kasi magmi-meet uli kami ni Tisoy at naisip ko na magpadala ng kahit na ano sa mga kapatid ko na walang hilig masyado sa t-shirt. May favorite akong brand na availble sa ion kaya don na lang namili ng shirts for my brother, the shop is called uniqlo. Then CK perfume naman para kay inay at itay na meron palang latest line ngayon.
August 14, 2009 - Friday. I had dinner with Doc C at food rep. Shopping day naman to kasi nabiktima na naman ako ng Esprit, ended up with a pair of jeans and a jacket, hindi na din masama kasi on sale naman sila. Then suddenly, Bibay and Guen called up and join us. Nasundan ng kapehan sa Dr. Cafe na inabot kami ng closing. Nag-try ako ng latest na drink nila called Cookie Frappe. 
Gumimik kami ng mumurahing gimmick sa harap ng shopping mall, nagsayaw ako ng "Nobody" at nag-perform sa harapan ni Len at Bibay habang si Guen naman ang photographer. 
Almost 1:00 AM na when we decided to visit a nearby bar, it's called Acid Bar. Galeng ng performer na parang nanadya pa ang salubong samen na song na Nobody ng Wonder Girls. Kaso nga lang, nasa toilet ang mga girls kaya hindi ako sumayaw, eh di sinsana nakakita ng total performer ang mga Singaporean na halos hindi makasayaw at chorus lang ang alam nila. We left the placeat 3:00 AM na, pero facebook pa din pag dating ko sa bahay kaya halos sumikat na si haring araw ng matulog ako.
August 15, 2009 - Saturday. Stayed home almost the whole day, I just went out at late eve and visited Matthew' dad's wake again for the last time. Nakihapunan kami sa wake ng aking United Nation friends, kasi masasarap ang foods na pina-cater ni Matt.
No comments:
Post a Comment