I really cannot resist not to go back to Paragon and shop at Gant again. Ligo agad ako pag kagising at sugod uli sa Orchard. Salamat sa newly opened shopping mall na umagaw sa attention ng mga tao dahil wala na namang tao sa Paragon, napaka sarap mag-shopping ng walang kaagaw sa fitting room.
But something bad happened at me, sinabit ko sa fitting room ang dala kong sunglass container na may lamang camera at office phone ko, and napansin ko na lang na nakalimutan ko pala sya sa fitting room. And with that, nag-iwan ng isang matinding sakit ng ulo ang pagkawala ng camera and phone ko dahil wala na sya sa fitting room after ko balikan. Mabuti na lang at nasa Singapore ako at nasa mamahaling shop na walang magkaka-interest sa kahit na ano yatang gamit ang maiiwan. In fact, customer pa ang nagsabi sakin na may nagdeposit ng gamit ko kasi napansin nya na may hinahanap ako. Whew! Nagka-reunite kami ng camera ko at nasa counter nga sya. Inakap ko sya.
Matapos ang reunion, balik shopping uli ako. Isang malaking bag na naman ang bitbit ko. 
No comments:
Post a Comment