More often than not, I always like to laugh out a busy loooooong day. Wala na yatang sasarap pa sa isang malutong na tawa kahit pa gaano ako kapagod sa maghapon. Ito lang lagi ang hinahanap ko, yung tumawa. Nanood ako ng movie after work, Confessions of a Shopaholic, at napasaya ako kahit papano kasi tatlong beses akong halos maiyak sa kakatawa. Ito yung mga small things na na-aapreciate ko sa buhay, isang simpleng movie lang pala na pwede nang gamutin kung ano man yung lungkot, stress, takot at kung anu-ano pa.

Kasama na sa mga bagay na pinagpapasalamat ko yung may mga tao lagi sa tabi ko na ready sumama sakin sa kahit na ano man ang gusto kong gawin. Be it movie, or kainan lang, or inuman, or isang simpleng kwentuhan .... napakaliit ng Singapore, pero nandito na yata lahat ng kailangan ko, ang daling abutin. Isang text lang sa kaibigan, nagmamadali nang puntahan ako. Bigla tuloy akong napaisip .... kailangan ko ba talagang umalis?
5 comments:
you have to think about it my friend....slowly and surely to decide in your life...
kasi nakikita ko naman na maligaya ka sa singapore, bakit kasi nag-iisip ka pang umalis.....?????
ob.
dala na din siguro ng curiosity kung ano ba ang meron sa kabilang bakod.
hahhahah....
well, maganda naman kasi ang magkaroon pa ng maraming experience, maraming curiosity, maraming makilalang tao....
basta one thing for sure lang insan...
you succedd many thing...kaya wala ka naman na sigurong patutunayan....
naks naman! isa lang akong dukhang magsasaka ng general natividad
hahhahahhah......
oo nga insan.....baka kasi kapag nalipat ka pa eh mahirapan ka na naman makisama.
at panibagong pakikisama na naman sa bagong kasamahan....
diba...
Post a Comment