Tumakas ako sa office ng 11:30AM para magpunta sa police department, kailangan kasi sa isang pending application ko ang Police Clearance Certificate. So nasa police na ko ng 12PM, I got my queue number and I waited for roughly 30 minutes (may kasamang tulog sa upuan ko yan). Nung turn ko na at nasa counter na ko, sinabi sakin ng officer na kailangan ko pala ng picture, photo copy of my travel documents, and an endorsement letter. Nagdilim ang paningin ko sa sinabi sakin. "Tinumba ko ang table at binasag ko ang monitor ng pc ng officer" ... ito ang gusto kong gawin pero naisip ko na nasa police house pala ko, kaya tahimik na lang ako na parang tutang maamo na nag-agree sa lahat ng sinabi ng officer.
In short, kailangan ko bumalik sa police department. Kaya bukas, may plano na ko, magsasakit-sakitan ako para hindi na ko pumasok sa trabaho. Kasi ang panget naman kung tatakas na naman ako, hindi yata ako ganon klaseng empleyado. Kahit na mane-mane na lang sakin ang natitirang dalawang linggo ko sa singtel, eh bigay todo pa din naman ako sa dedication ko sa kanila.
1 comment:
hahahahahah......
kaya pala, busy ka....
anyway, pagbutihan mo...
:)
Post a Comment