It has been one of my long time dreams to see Japan and visit my friends, to experience the uniqeness of Japan as I see it from many emails, be it funny videos, horror movies, weird inventions and awesome fashion.
Last October 24-31, 2009, my dream came true. It was 1:00 AM when I left Singapore to Nagoya, but my memorable Japan exploration had started many days ago even before my trip cos I enjoyed looking for air ticket, exchanging email with Ofel on my itinerary which was changed for many many times. Indeed it is true, that the journey is as exciting as the destination. Nasa Singapore airport pa lang ako papunta ng Japan, nag-eenjoy na ko. In fact, maaga akong dumating sa airport para mag-window shopping. Hindi pa ko lumalanding sa Japan pero nag-uumpisa nang mabawasan ang kakapuranggot kong allowance.
And so I reached Nagoya at 8:20AM. My gosh, kakaiba ang Japan. Unique sya talaga. Medyo naghintay ako ng konting saglit sa arrival area and dito ko pinagmasdan kung ano ba ang magiging buhay ko sa mga susunod na araw. Naglakad-lakad ako sa airport kahit hindi ko alam kung magkikita ba kami ng sundo ko, pero ito yung moment na wala akong worries sa buhay. I don't have coins to call any of my friends, my phone's roaming service doesn't seem to work, no one knows how to speak english, I was with my luggage, alone, and yet .... I was actually smiling and enjoying the moment. .... Until I saw Ofel, mas nagkaron na ng light ang arrival ko sa Nagoya. Then I saw Geh. It was one of the most wonderful feelings, to be reunited with friends in a foreign land :)
I visited 4 cities of Japan namely, Nagoya, Tokyo, Kyoto and Osaka.
Nagoya - this is my embarkation city and where my friends stay too. Super enjoy ang first two days ko sa Nagashima Resort and Nabano No Sato. Memorable ang hot spring experience kasi first time ko na maghubad sa harapan ng mga wala namang pakialam na tao. "Awesome" ang comment ko sa itsura ng hot spring, in fact, kinausap ko ang mga kaibigan ko na nakasubok ng hot spring sa Japan, pero mukang walang gaganda sa hot spring na pinagdalan sakin ni Geh and Ofel :)
Panalo din ang oras ko sa Nagashima Spa Land dahil sa roller coasters encounter na napilit kong sumakay ang mga hosts ko kahit na sobrang takot sila.
Pano ko ba naman makakalimutan ang napaka sasarap na foods sa Nagashima Hotel, simply amazing. At dito din ako nagsuot ng Japanese robe na medyo mahirap dalhin kasi hindi pala madaling magpalda, hehehe.
Memorable moment din yung nakapag-celebrate ako ng birthday ni Bel na inabot kami ng 4AM yata sa kalye. It was such a nice feeling to meet many people na lahat ay mababait saken, hindi nila pinaramdam na foreign ako sa lugar nila, but instead, super warm welcome ang naramdaman ko sa mga bagong tao na nakilala ko.
Tokyo - Disneyland, Tokyo Tower, Imperial Palace, Tokyo Garden, Nikko Hotel, and many others are my memorable experiences in Tokyo. Hindi ko din makakalimutan ang maghapong ulan habang nasa Disneyland kami, ito lang naman ang bagyo na galing pala ng Pilipinas. Somehow, happy ako sa mga friends ko kasi first time din pala nila na ma-explore ang Tokyo, and with that, nakakabilib ang galing nila sa pag-iikot sa train station na talaga namang nakakahilo sa dami ng pasikot-sikot. Dito ko din na-meet si Cherry na sobrang bait na bata na hindi nakalaban sa resistensya ng mga taga-Natividad at nirayuma sa Tokyo.
Somehow, itong Tokyo experience ko ang nagbigay sakin ng reason para magpabalik-balik sa Japan. Parang nakita ko yung sarili ko sa mga tao sa Tokyo na laging natatakbo sa umaga, at talaga namang stylo-milo lahat ng tao. Taas ang kamay ko sa porma ng Japanese. Kung marunong lang mag-English ang mga Japanese, malamang hindi na ko bumalik ng Singapore (joke lang my beloved Singapore).
Dito sa Tokyo para kaming mayayaman! Sobrang ganda ng Hotel Nikko! Madami na din akong napuntahan na magagandang hotel sa ibat-ibang parte ng mundo at hindi nagpapahuli ang ganda ng Nikko Tokyo. Pagdating naman sa tour, may hatid-sundo kaming coach na nagdadala sa mga places of interests around Tokyo. So in short, turistang-turista kami sa Tokyo.
Kyoto - with only 1 hour of sleep, gumising na naman ako para mag-travel ng 2 hours papunta ng Kyoto. Ito ang isa sa mga gusto kong makita sa Japan kasi nandito yung mga temples and mountains na madalas kong makita sa mga pictures. Medyo bitin kasi one whole day lang ako with Gerald, pero thankful pa din ako kasi napuntahan ko pa din ang Kyoto. Madami din akong memorable moments dito, nagbasa ako ng horoscope and it turned out to be a good horoscope. Napaka dami ding free mochie na nagkalat lang sa kalye, kaya halos mabusog ako kakakain ng libreng mochie.
Osaka - one day lang din ako sa Osaka, kasama ko si Geh and Ofel. Universal Studios ang detination namin sa Osaka. It was a fun filled day na puno ng exciting rides at colorful photos.
My visit to Japan was made possible through the kindness of Ofel who have been so patience from the beginning of all these plans. And of course, thru the help of Gerald as well. It was nice to be reunited with Bel too and Dali.
I have heard many stories of people who have been to Japan and we kind of exchange our own experiences in the land of the rising sun and I am proud and happy to know that my vacation was one of the grandest of them all, with almost 3 thousand pictures, of approximately US$1000 worth of breakfast, lunch and dinner, to be in the tallest roller coaster in Asia, to be escorted by thoughful and beautiful friends and many others in between ... these are the reasons that will keep me longing to be back in Japan.