Now I believed na may nagdudugtong talaga sa puso ng nanay at ng anak. Kahapon, kausap ko lang sa phone si Ate at si Mama while papunta sila ng SM para mag-grocery para sa Noche Buena. Napakasigla ni Mama, tawa ng tawa kahit na kulang daw ang budget nya para sa Pasko. Pero ngayong umaga, halos hindi daw makatayo sa sakit ng katawan at nilalagnat pa.
Kahapon, isang kaibigan ko ang nawala.
Isang kaibigan ang nagpaalam.
Naramdaman kaya ni Mama yung pagod ko kahapon? Siguro naramdaman nya yung sakit na nararamdaman ko? Ganon pala kasakit. Nagmuka akong katawa-tawa kakapunas ng panyo sa mata ko habang nasa food court ako, parang may gripo sa mata ko na walang tigil kakatulo. Hindi ko na din nakuha pang kumain ng dinner kasi nawalan na ko ng gana. Nakitulog ako sa ibang bahay kasi parang hindi ko kayang alalayan ang sarili ko. Hanggang sa pagtulog, wala akong naiisip kundi yung sakit. Bakit naman kung kailan pa magpapasko saka pa nagkaganito?
Umuwi ako sa bahay ng 7:30AM kanina, and as expected, nagtatakbo ako kasi I need to be ready by 8AM para umabot sa work ng 8:30AM. Nagpaka-professional muna ako at pumili ng maayos na long sleeve para harapin ang another day at work.
Napaka tahimik dito ngayon sa office, keyboard lang ang naririnig ko. Madaming work, pero eto ako at gumagawa ng input para sa blog. Inisip ko na kumain sa canteen (na hindi ko ginagawa usually sa umaga), and for the first time, nagsalita ng ibang words yung ale na nagtitinda aside “coffee or tea?”. She greeted me “Merry Christmas”! Siguro pinitik yung tenga nya ni Lord para i-cheer ako, and true enough, napangiti ako sa gesture nya and I greeted her back. Ito yung maliliit na bagay na nagbibigay ng meaning sa Pasko.
Pero mamayang gabi, pano ko kaya haharapin ang ilang kaibigan ko na makakasama sa Noche Buena na hindi naman alam kung ano ba yung mga pinagdaanan ko kagabi? Bakit ganon? Hindi ko alam. Wala akong sagot.

No comments:
Post a Comment