Mabigat ang lunch time ko kanina, not literally mabigat na pagkain but mabigat na usapan. Almost 10 minutes ko lang tinapos ang noodles na kinakain ko and then I started talking to my mother on the phone. After talking to my mom, followed by my sister naman. Walang katapusang problema ang topic, minsan iniisip ko ....... "pag may problema sila sa bahay, pag may tampuhan at kung anu-ano, ako ang bridge para maayos sila. Ako ang nag-aalaga, pero pano naman kaya pag ako na ang nasa situation nila, sino naman kaya ang mag-aalaga saken?"
Well, yan ang tanong ng taong walang awa sa sarili. Kaya kahit na tinatanong ko man yan minsan sa sarili ko, hindi ko na lang ine-entertain yung thought kasi magkakatagyawat lang ako. Mas madaming VBscript ang kailangan kong tapusin sa office than mag-isip ng isang tanong na wala namang sagot.
Pag dating ng bahay, naghalungkat lang ako ng fruits sa fridge para sa dinner ko. Pero tinernuhan naman ng chocolates kaya wala din ang balance.
No comments:
Post a Comment