Sunday, January 3, 2010

2010 na!!!!

Since hindi ako nakauwi ng pinas, hindi ko tinapos sa pagmumukmok ang lungkot sa Singapore, but rather invited friends to celebrate with me in our humble house.

Late afternoon when Roman started to sculp his paella. Then Joe followed by his version of pork balls. Then soon after, dumating naman si Doc Cleofe na fresh na fresh from Pinas, bitbit ang lahat ng request ko na longganisa, tapa, at mga kung anu-anong minatamis. Sinundan ni Tonette and Wini na may dalang grilled pork paired with some good appetizers. Pinaka late si Guen na dumating ng 10:30PM na may dalang isang bote ng Martini.


7 lang kami na magkakasama sa Medya Noche. Sana maging lucky 7 ang dating namin sa 2010 at wag sana maging 7 dwarfs. Inumpisahan ang kainan before 11PM at sinagad ko ang kain ng crab ng paella na may papuslit-puslit na subo ng macapuno sweets. Maaga akong nalasing kasi medyo mataas ang alcohol content ng wine na una naming nainom, pero na-control ko naman at inabot pa din ako ng 5AM na gising.

From our window, tanaw na tanaw ang fireworks display sa Marina Bay, kaya hindi ko na kailangang bumili ng kung anu-anong pampaingay. Below is one of the shots taken by Wini na ninakaw ko sa facebook profile nya.
Medyo iniwan ko ang mga bisita sa living room kasi nanood sila ng horror movie, ayoko umpisahan ang taon ko na nagtatakip ng mata kaya pumasok ako sa room at naghintay na matapos nila ang movie. Around 2AM ng matapos ang movie, at balik na din ako sa pag inom ng wine.

Masaya ang celebration ko ng new year, tawa ako ng tawa na parang baliw at may 100 dollars sa bulsa para buong taon akong may pera sa bulsa. Sinuot ko din ang blue shirt na bagong bili at bagong laba naman, blue daw kasi ang lucky color ng dragon for this year, kaya sinunod ko na since confused din naman ako kung ano ba ang color na maganda in welcoming the 2010.
Below are the memories of my New Year photos with friends.
January 1, 2010 (Friday - late afternoon). 12PM na ako nagising at ang pobreng Guen ay sa living room na pala natulog. 3PM when Seow Hoon visited the house and was entertained by Joe habang natulog uli ako kasi walang tigil ang tulo ng sipon ko, caused by puyat I guess. I woke up at 5.30PM na, ligo then lumabas kami ni Joe and Seow Hoon for dinner. We had japanese food an I ordere salmon pizza na sinamahan ng salmon noodle. Puro isda ang nilantakan ko sa New Year's Day kaya sana maging wise ako all year round. Our dinner was followed by a movie called Sherlock Holmes na ayoko namang panoorin.

January 2, 2010 (Saturday) - kinaray ko si Joe para kumain ng Bah Kuh Teh (pork ribs). Then after eating dinner, ako naman ang kinaray nya sa ion para bumili ng suit for his sister's wedding sa Netherlands on March. Susyal ang lintek, sa Mossimo Dutti bumili na inabot ng 25,000 pesos ang coat at trousser. Sinundan ng kape sa starbucks na inabot hanggang 10PM. Madami pa sana akong bibilin sa Watson at Body Shop pero hindi ko na namalayan na lumipad ang oras dahil ang topic ay ang paborito kong pagbabakasyon sa China na mukang wala akong makakasama this time :(

No comments:

They