

2. Sinundan ng very comfy na partner na to.

Grabe ang kaba ko nung nalaman ko na dumating na ang Singapore stocks, ilang buwan din ako na nag-plano na lumipad sa Hong-Kong ng balikan lang, para lang talaga bilin ang kapana-panabik na lente. Then the news finally has broken, kaya after work, sugod ako sa suking tindahan. Walang sabi-sabi, withdraw ng pera at umuwi akong hindi mai-explain ang ngiti ko.
The past weeks has been so exciting for me, kasi time na naman para bumili ako ng gadget. And this time round, tinodo ko na. Hindi ko alam kung pano ko babayara ang lens na to pero ito talaga ang gusto ko.
Sinamahan ko na din ng tripod na makabutas bulsa din. Bahala na si batman.
Sabi tuloy ni Joe, malamang mawala na ang lagnat ko kapag nabili ko na kahit yung tripod muna :)
This is the scent on top of desk where my notebook is parked.
And these lovely and healthy earth foods are my supplement on my earliest days in my new home.
PS: Habang naglilinis ako ng bahay, wala din akong humpay sa pagkanta, na ewan ko ba naman kung bakit ito ang kinakanta ko kahapon. Anyway, isa naman kasi to sa mga paborito kong kanta, kaya hindi na masama:
It's Good Friday. I am on my way to a friend's house not to party but to re-play the movie "Passion of the Christ". Earlier on, while I was sitting in my room and fresh from bed, I turned on my pc just for the sake of checking any SMS message from my mom and realized that I can easily medidate via Youtube, and so I found this video.
Parang restaurant sa wake, may mga tables na may ready foods na nakalagay. May at least 5 mineral waters, at least 5 pieces of bread, may nilagang mane, may pumpkin seed, at kapag lunch na, nagse-served sila ng masarap na lunch sa mga taong nakikiramay.
Halos walang iyakan, in fact, naka-smile most of the time ang family ni Joe. Hanggang sa pagdating ng burial, malungkot lang ang mga muka nila pero walang nagsisisigaw na kagaya ng sa pinas. Kung hindi ako nagpigil ng sarili ko, mas malamang na ako pa ang may pinaka madaming luhang maiiyak. Hanggang sa pagdating sa libing, nakayakap saken ang mga pamangkin ni Joe, habang humahakbang ako sa mga nitso papunta sa grave ng daddy nya, bitbit ko si Fernando (3 yrs old). Hindi nya alam ang nangyayari, pero ramdam ko na na nalulungkot sya. Somehow, sya na din ang naging diversion ko para huwag ako masyadong maging affected ng libing na nakikita ko. I have to be very careful when walking and jumping over other graves or else madadapa kami pareho, may mga yaya naman sila pero ako na ang naging yaya muna nila ng ilang araw. If without the three kids, I'm sure magiging napaka lungkot ang wake ng daddy ni Joe.
Natapos ang libing .... Afterwards, nagpalit na ng red shirt ang buong family. Ikakasal kasi ang bunsong kapatid ni Joe sa May, and surprisingly, alam din nila ang sukob concept. It was the reason why they changed to red shirt, para daw i-welcome na ang happy moments ahead. Nasa cemetery pa lang, nagpalit na sila lahat ng red shirt. Kaya dumating kami sa isang famous restaurant na nakapula sila lahat, this was after the burial and where we had a good lunch.
After the lunch, umuwi na ng bahay para magpahinga. I had a power nap after taking a very good shower, na sinundan na ng dinner. Parang walang nangyaring libing that day. Pero alam ko at kitang-kita ko sa mga ngiti nila yung napakalaking bahid ng kalungkutan.
Dumating ako sa Surabaya last Thursday (Feb 18, 2010)night na may dalang isang kaban sa balikat ko, isang problema na pansamantala ko munang iniwan sa airport ng Singapore. Malungkot ang inabutan ko sa Indonesia, pero ito ang naging daan para makatakas ako pansamantala sa napaka bigat na pasan-pasan ko. Feb 22, 2010 - 6:05AM, lumipad na uli ang China Airlines na maghahatid sakin sa Singapore ...... Nakatanaw lang ako sa bintana all throughout the flight. Uminom lang ako ng tubig at hindi ko man lang nagalaw ang breakfast na paborito ko pa naman. Nakatulala ako kasi naaawa ako sa naulilang pamilya ni Joe. Nakatulala ako kasi sa loob lang ng ilang oras, bubuhatin ko na naman ang isang kaban at ipapatong ko na naman sya sa balikat ko.
Hindi ko alam kung sino at ilan ba ang nakakabasa ng blog na to. Ang alam ko lang, kaibigan kita at kaibigan mo din ako. Ang pakiusap ko lang, sana hayaan mo na lang na ikaw ang makaalam ng kung ano man ang mga mababasa mo dito. At nakikiusap na din ako sayo, na isama mo naman ako sa dasal mo bago ka matulog na sana maging matatag ang balikat ko sa napaka bigat na papasanin ko ng pang HABANG-BUHAY.
Following the movie, sumunod ang tropa sa Harry's bar at 11pm para naman sa birthday ni Wini. I just had a bottle of beer, then lumipat naman kami sa isang German pub which happen to be just beside my workplace. Kumain ang gang ng noodle para sa birthday boy matched with pork knuckle na may taste ng pinoy kasi halos pinay ang lahat ng waitess and cook, actually, pati ang band playing was pinoy. Natapos ang gimmick at 4AM na, and as always, tulog ako ng buong Saturday.
January 10, 2009 (Sunday) - nakakapagtaka, gising na ko ng 8AM. Bihis papunta ng church at 9:45 then breakfast sa Mcdo at 11AM. Followed by movie, The Vampire's Assistant. Na-curious ako sa movie na to kasi ginawang substitute ng Harry Potter and Twilight, meaning, medyo maganda sya. And totoo naman ang review kasi maganda naman talaga ang movie.