Sunday, April 18, 2010

Bangkok Getaway

April 9-12, 2010.

It has been an enjoyable week so far since I survived the what I called "second life". Daming work, ang hirap makipagsabayan sa mga officemates ko na puro expert na kaya when I get the chance to travel again, hindi na ko nagdalawang isip pa. I flew to Bangkok for the nth time on April 9-12 with few friends. This trip was pursue aside nagkakagulo ang mga red shirt protesters sa Bangkok, I will honestly say na natakot akong tumuloy pero palaban lahat ng kasama ko kaya nahawa na lang din ako.

1st Day. We arrived Bangkok at 8AM local time, diretso checked in sa hotel. At diretso gala na din.
If I remember correctly, naghilamos lang ako sa hotel at nagpabango, then sibat na uli. Nagtapang-tapangan ako na kumain ng spicy rice with chili, ayon, parang kailangan ko ng bumbero sa kalagitanaan ng lunch ko. Gaano katindi ang sunog ng dila ko? Well, kinailangan kong lagyan ng pipino ang dila ko para maka-recover sa anghang. Pero bumawi naman ako sa dessert dahil hinanap ko ang dahilan ng Bangkok, ang sticky rice with mango na lagi kong kinakain everytime mapupunta ako ng thailand. Dumating ang gabi at naisipan namin na mag-dinner sa Banyan Tree. Halos mahulog ako sa upuan ko kasi ang price ng isang slice na isda na order ko ay P3,000 pesos, pero pinikit ko na lang ang mata ko sa pagbayad dahil sulit naman kasi nasa 61st floor kami ng Banyan Tree hotel at kitang-kita ang kabuuan ng Bangkok na nakakabilib naman pala sa kagandahan. 2nd Day. We met Matthew and Desmond, with Joe, lagalag kami sa Wat Arun na first and last time kong nakita when I was just 15 years old. Since medyo malapit ang hotel namain sa temple na to, hinila ko na lang sila na samahan ako na magpa-picture sa pomosong pagoda. Sa sobrang init ng panahon at pagod kagagala namin, sa Health Land kami nauwi that night. As always, hindi na naman ako napahiya sa service ng Health Land. Superb ang Aroma Therapy massage na nasa isang private room pa, accompanied with soft music and dim light, haay kay sarap!
3rd Day. May business si Joe kaya hindi ako nakialam. Kain ang ginawa ko habang naghihintay. And lunch time, sa Cha Tu Chak ako naggala with the tropa na. Unfortunately, wala akong nabili sa sobrang init. And at night, isang relaxing foot massage naman just the spa beside our hotel.

4th Day. MBK shopping mall lang at food trip. Kinain ko ng walang humpay ang pritong icing na pinandirian ako ng mga kasama kong chinese na sobrang takot sa asukal.




Enjoy ang apat na araw sa Bangkok, kahit na natapat pa man kami sa rally ng red shirts. Tuloy na tuloy pa din ang mga plano namin, kasama na yung clubbing in between nights. Sobrang sarap ng mga pagkain, sobrang mura ng services at very friendly ang mga local. See you again sa July (sana).

No comments:

They