To end this birthday blog, I would like to extend my gratitude again to all my friends who made my party possible and memorable. They never get sick of giving me surprises on my birthdays, and to say "thank you" to them, I will be preparing a lunch date with all friends of mine who played a part in the many surprises I received on my birthday.
Sunday, August 30, 2009
My 33rd birthday
Sunday, August 23, 2009
Gant shopping for the second time around
Saturday, August 22, 2009
Buffet Lunch with SingTel colleagues and Gant
After the lunch party, balik ako sa pag-hunting ng damit na isusuot ko sa Saturday (bertdey ko kasi). Honestly, nahihirapan akong bumili ng damit kasi ang mamahal ng damit nowadays. Pinaka mura yata na nakikita ko was $80. Ewan ko kung bulag ba ko sa ibang damit, pero ito lang talaga nakikita ko for many days na din. Kanina while I was walking sa Paragon, ginulat ako ng napaka laking sign "SALE" sa Gant. Gant ang isa sa mga brands na kinakatakutan kong tignan man lang, kasi sobrang mahal ng damit nila. Cheapest is $100 dollars, kaya hindi pa ko nakakabili ng kahit na isang piraso man lang ng damit dito. Pero kanina, I got really so lucky that everything was on sale. Inabot ako ng dalawang oras sa loob ng store, good enough na wala pang mga tao kaya halos solo ko ang fitting room.
Ang ending, dalawang malalaking paper bag ang uwi ko. Ang total price without discount was $700 dollars. SYEPPPP! That's 23,000 pesos. Pero dahil nga sa kaswertehan ko at may sale, inabot lang ng $150 dollars ang total bill ko, whew!! Nakakanerbyos ang original price.
Ito ang bunga ng dalawang oras na pagsusukat ko sa Gant.
Friday, August 21, 2009
Friend's Trial Times
And last night, I saw him from far, the usual Bernard "boy-next door". Pero habang papalapit ako sa kanya, wala syang ngiti at parang madaming iniisip. The first thing he said was "my nails are so dirty". True enough, madumi nga ang kuko nya. Then it was followed by a shocking news na nasunog ang bahay nya ............
Parang nanghina ako sa sinabi nya and I got lost for awhile na hindi ko alam kung paano ako magre-react sa news nya. It was funny kasi ang unang tanong ko sa kanya, "where are all your watches?" Then I was relieved knowing that all his watches are safe in a vault. He started showing me photos taken from his phone of the wreckage of his house, sobrang sunog especially his room na parang abo na lang ang nakikita ko. Sad to say, nasunog halos lahat ng damit nya except yung mga nakasampay at nasa laundry area. He was wearing his nephew's jeans and shirt last night and just came from a house viewing cos he eventually need to look for a new house to rent. In short, sunog lahat ng damit nya, ng collections nya, gadgets etc etc and etc. Ganon na lang yon? Hindi lang isa, dalawa or tatlong taon na inipon, mawawala lang sa ilang minuto? It was a little creepy, kasi habang nasusunog ang bahay ni Bernard, the cremation of the body of Matthew's dad was also in place.
Hindi ko naiwasang maka-relate kay Bernard kasi nasunugan na din kami ng bahay when I was just 5-6 years old na ang nag-iisang agony ko lang ay yung lungkot na nasunog lahat ng laruan ko. This tragic incident happened after we lost my dear little sister. Nalunod ang younger sister ko, then shortly after our family recovered from the lost and pain, nasunugan naman kami ng bahay. It was a blessing na nakitulog kami sa Lolo ko that night, else, wala sanang blog na richardays ngayon. Natatandaan ko pa na nanghihingi kami ng damit sa mga pinsan ko kasi the only clothing left for us was the pair of clothing we were wearing, we eventually need something to replace the next day. Nung panahon na yon, walang pera ang parents ko, and the only possessions we have are the clothes from our cabinet na sya namang unang nasunog. Our house back then was literally a bahay-kubo na iisa lang ang room, na yari sa kawayan at kailangan mong bumaba sa bahay kapag nahulog ang coins mo para kunin sa ilalim ng bahay.
Narealize ko kung gaano katatag ang parents ko, kung paano sila nagsipag para bumangon sa total disaster na pinagdaanan nila and completely heal the wounds left by an unfortunate events.
Thursday, August 20, 2009


Tuesday, August 18, 2009
Air Ticket to Japan
Sunday, August 16, 2009
Weekend
Almost 1:00 AM na when we decided to visit a nearby bar, it's called Acid Bar. Galeng ng performer na parang nanadya pa ang salubong samen na song na Nobody ng Wonder Girls. Kaso nga lang, nasa toilet ang mga girls kaya hindi ako sumayaw, eh di sinsana nakakita ng total performer ang mga Singaporean na halos hindi makasayaw at chorus lang ang alam nila. We left the placeat 3:00 AM na, pero facebook pa din pag dating ko sa bahay kaya halos sumikat na si haring araw ng matulog ako.
August 15, 2009 - Saturday. Stayed home almost the whole day, I just went out at late eve and visited Matthew' dad's wake again for the last time. Nakihapunan kami sa wake ng aking United Nation friends, kasi masasarap ang foods na pina-cater ni Matt.
Friday, August 14, 2009
A Freind's Lost
Last night, I went to the wake. But before that, nag-prepare kami ni Joe and Desmond ng dinner para sa 20 persons. I am no good in cooking kaya tumulong na lang ako sa packaging ng food na sobrang rush kasi they started cooking at 7PM na. On our way to the Singapore Casket, (me, Joe and Desmond), napag-usapan si Matthew na wala pa din daw tigil sa pag-iyak. True enough, dumating kami sa venue at nadatnan namin si Matthew na tulala. Sa mga ganong oras, hindi ko alam kung ano ba ang magandang approach sa isang kaibigan na nawalan ng mahal sa buhay. Walang kasing sakit. Habang kumakain kami ng dinner, walang tigil si Matt sa pag-iyak. Nakita ko sa kanya yung kinakatakutan kong oras. Hindi ako madalas magpunta sa wake, dahil unang-una, sinusumpong ang sakit ko kapag nakakakita ako ng ataul. It never failed me, kagabi, matinding sakit ng ulo na naman ang inabot ko. But aside sa maliit na problema ko, mas naaagaw ng attention ko yung lungkot sa mata ng mga naulila, especially yung kaibigan ko na nakilala ko bilang isang masayahin at palangiting tao. Kagabi, tulo lang ng tulo ang luha nya. Halos hindi ako makahinga sa nakikita ko, natatakot ako sa bulaklak, natatakot ako sa amoy, natatakot ako sa luha, natatakot ako sa gabing yon.
Nung pauwi na ako ng bahay around 9:30PM, habang naghihintay ako ng bus na sasakyan, napaisip ako na 60 years old na nga pala si Mama, at si Papa naman 59 years old na. Bigla kong tinanong ang sarili ko kung bakit ako nasa Singapore. Hindi ba dapat nasa tabi na lang ako ng mga magulang ko para maiparamdam ko sa kanila na nandito ako para sa kanila? Na hindi ba dapat ako na lang ang driver ng nanay ko na araw-araw nagda-drive ng 80 kilometers papasok sa office nya? Hindi ba dapat ako na lang ang nag-iisip ng gustong iwang negosyo ng tatay ko sa dalawa kong nakakabatang kapatid para naman mabawasan sya ng iniintindi? Tumatanda na pala si mama at si papa, halos hindi ko namalayan. Bigla tuloy ako nahirapang intindihin kung bakit ang layo-layo ko sa kanila. Di bale sana kung limpak na limpak na dolyar ang sweldo ko, pero hindi naman ganon ang sitwasyon.
Purpose driven life nga naman.
Tuesday, August 11, 2009
Reima in SG
Monday, August 10, 2009
Holiday
August 10, 2009 - Monday. Nasayang ang holiday ko today kasi may lagnat ako since Saturday night :( Hindi ko tulog na-enjoy ang long weekend na sana naging laman ako ng bar, or kaya naman umuwi man lang sana ng lasing or halos hindi makalakad sa busog, or sumakit ang paa sa lamyerda. None of these happened, but instead, I was locked in the house cos I cannot barely open my eyes. Pasalamat na din at slight fever lang. Kaya naman nung naka-recover ako kanina lang, sobrang gustom ako. I texted Joe na walang angal basta kainan ang pupuntahan. We went to a Japanese resto and had teriyaki chicken pizza and seafood noodle. Wala ako makitang pleasing sa paningin ko na dessert kaya lumipat kami ng restaurant para sa cakes. I saw this shop called Mad Jack na nakakalaway talaga yung mga pictures ng cake sa menu, and so we ended up there ordering apple crumble pie and chocolate mud pie and cheese fries.
Mabilis na namang lumipad ang oras, 9PM na kami natapos tumibag. Bigla kong naalala na nasira nga pala ang plantsa sa bahaykaya napadaan pa tuloy ako sa Best Denki para humanap ng plantsa. Swerte talaga ko sa mga sale, halos babayaran ko na ang isang iron na worth $50 nang bigla kong nakita ang wonder iron na to worth $69 pero under promotion na pumatak lang ng $44. Inuwi ko sya.
Sunday, August 9, 2009
Saturday food trip and UP movie

Nilakad namin ang Orchard after lunch para naman mabawasan ang bigat ng tyan. Orchard road was very happening on a Saturday. Ang daming attention seeker especially sa tapat ng newest shopping mall na ion. Kagaya na lang nitong alien na to na pakalat-kalat lang. They are in a big group actually, pero hinila ko muna tong isang to para sa kodak opportunity.
And I saw this one logo which happen to be one of my favorite logos in the world. I guess, my shoe will tell the rest.

I managed to had my hair cut too.
Mabilis lumipad ang oras, hapunan na naman pala. I had japanese food. Main course was the crispy tempura crab.

Saturday, August 8, 2009
GI Joe
Monday, August 3, 2009
Saturday, August 1, 2009
Birthday Celebration, Movie and Shopping


After work, the gang watched Moonwalker, some kind of tribute to Michael Jackson. Whoever produced this movie (if they call it a movie) sure was not in a proper state of mind. I felt like I wasted 7 dollars and most importantly, wasted my precious 1.5 hours time sitting inside the cinema into this dragging low quality film. They could have just played MJ's concert to please the audience, but instead, they played old clips which were never even published in the market cos of its stupidity, I guess. But nevertheless, MJ is MJ. If I could just turn back time, I promise I will not watch this Moonwalker, ever.
August 1, 2009 - Saturday. Woke up at 12 PM and immediately rushed to Vivo City because the G2000 is on sale again. The office outfit that I have been eyeing for quite awhile is already on its lowest price of 29 dollars from its previous 60 dollars. I decided to change at least one week of my office attire, this time, I chose plain colors from my current line of stripe long sleeves.
After shopping, I walked to the Canon shop and play with my desiring camera, Canon 50D. Medyo may kamahalan sya na 2,700 dollars para lang gamiting kong pang-picture para sa facebook, kaya saka ka na muna camera. Nanood na lang ako ng Hangover para matawa na lang sa dami ng problema ng mga tao na nakapaligid saken. Mabuti na lang ako at walang problema, ay meron pala. Pero who cares anyway. Natatapos naman ang problema, eh di hintayin ko na lang na matapos, meanwhile, tatawa na lang muna ko.

Maganda ang Hangover, unpredictable movie kasi. Hindi ganon kadami ang funny moments, pero sure naman na mapapatawa sa mga funny scene.