Wednesday, July 8, 2009

MJ's Memorial

Para akong bangang na pumasok sa office kasi halos wala akong tulog magdamag. I watched the live coverage of CNN's Michael Jackson memorial at Staples Centre. It was exactly 1:34 AM nung nilagay na ang casket ni Michael sa harap ng stage while there was a choir singing repeatedly the lyrics of something like meeting the King. It was very impressived from the private ceremony to the convoy of cars to Staples. Grabe, pinasara ang free way na dadaanan ni Michael. Hindi lang sya importante nung buhay pa sya, pero hanggang sa death pala importante pa din sya.

Naisip ko lang, sa buong buhay ni Michael, sya ang nag-eentertain sa mga tao. This time round, ang mga sikat na tao naman ang nag-entertain sa kanya, yun nga lang, hindi na nya nakikita. Tama nga yung sinabi ng isang journalist na si Michael ang greatest entertainer in the planet, the shiniest star on earth. Parang nabawasan ng glow ang earth nung nawala sya. I'm sure, pwedeng gamitin ng earth si Michael kung magkakaron man ng sing and dance competition ang 9 planets of the solar system. Ngayon, wala nang representative ang earth. Patay!

Nakakalungkot lang. Ewan ko, hindi ko ma-explain. Sana makita ko pa ang "Beat It" shirt ko na matagal ko ding sinuot when I was in high school, I know may picture ako na yun ang suot ko, sana mahukay ko sa baol para may memory ako ni Michael nung kasikatan nya.

May replay ang memorial at 10:30PM-1:00AM, I'm sure puyatan na naman to sa kwarto ko. Haay, Michael.

No comments:

They