Wednesday, July 29, 2009

Realities of being an OFW

Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na 'pag OFW o nasa abroad ay mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P50K-P300K per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas malaki ang sweldo, but to say that they're rich is a fallacy (amen!).

Malaki ang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-abroad. Maraming bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa Philippines . Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition ng anak at gastusin ng pamilya.

Mahirap maging OFW – Kailangan magtipid hangga't kaya. Oo, masarap ang pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang tinitira para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng peso sa dollar o rial o euro. Mas okay na magtiis sa konti kaysa gutumin ang pamilya. Kapag umuuwi, kailangan may baon kahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o naghihintay sa probinsya. Alam mo naman 'pag Pinoy, yung tsismis na OFW ka eh surely attracts a lot of kin.

Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan ka na. Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW dito eh may mga pangyayaring ganun. Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa mga Pinoy. Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iniiyak na lang kasi kawawa naman pamilya 'pag umuwi.

Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon. Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis lang kahit maraming kupal sa trabaho, kahit may sakit at walang nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapadala ka na, okay na, tawag lang, "hello! kumusta na kayo?".

Hindi bato ang OFW - Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine. Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit, nag-iisip at nagugutom. Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally o spiritually man lang.

Tumatanda rin ang OFW - Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension, coronary artery disease and arthritis. Yet, they continue to work thinking about the family they left behind. Marami ang nasa abroad, 20-60 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pakahirap, sablay pa rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya – ang anak adik o nabuntis; ang asawa may kabit. Naalala ko tuloy ang sikat na kanta dati, "NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!"

Bayani ang OFW – Totoo yun! Ngayon ko lang na na-realize na bayani ang OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor Contemplacion. Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni Rizal o Bonifacio. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang pinapasok ng OFW para lang mabuhay. Mas maraming pulitika ang kailangang suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na't kupal ang mga kasama sa trabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista o senador sa Philippines dahil sa takot na mawalan ng sweldo.

Matindi ang OFW – Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches which survived the cataclysmic evolution. Maraming sakripisyo pero walang makitang tangible solutions or consequences.

Malas ng OFW, swerte ng pulitiko – Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap!). Madalas nasa sidelines lang ang OFW. Kapag umaalis, malungkot and on the verge of tears. Kapag dumadating, swerte 'pag may sundo( madalas meron). Kapag naubos na ang ipon, wala ng kamag-anak.

Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara. Ang swerte ng mga politiko nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila naiinitan o napapaso ng langis, o napagagalitan ng amo, o kumakain ng paksiw para makatipid, o nakatira sa compound with conditions less than favorable, o nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte, sobrang swerte nila.

Matatag ang OFW – Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at counter-attacks. Tatagal ba ang OFW? Tatagal pa kasi hindi pa natin alam kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya? o may tsansa pa ba?

Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos. Masarap kumain ng sitaw, ng bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka. Masarap manood ng pelikulang Pinoy, luma man o bago. Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Philippines, iba pa rin kapag Pinoy ang kasama mo (except 'pag kupal at utak-talangka) , iba pa rin 'pag nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo. Iba pa rin ang tunog ng "mahal kita!", "day, ginahigugma tika." "Mingaw na ko nimo ba, kalagot!", " Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba". Iba pa rin talaga.

Sige lang, tiis lang, saan ba't darating din ang pag-asa.

Passport and PR

Ang bilis lumipad ng panahon, mag-eexpire na pala ang permanent residency ko dito sa Singapore. Five years na pala ang nagdaan since na-convert ako as PR sa isa sa pinaka expensive na syudad sa mundo. May mga travel plans ako soon kaya inayos ko na ang renewal ng PR, submitted online on 27 July 2009.

Incindentally, expiring din ang passport ko. But I have renewed it last May, and I collected it on 26 July 2009. Kahit papano nakakatuwa na din na mapadpad sa Phil Embassy cos I got to see my 2002 colleague (Sepoy) who happened to be collecting his twin daughter's passport. Jogo was there too as a volunteer staff representing University of the Philippines.

After the embassy appointment, I rushed to the church of Queen of Peace and attended the 5:30PM mass. Followed by a dinner with Guen and Len. Followed by crashing 3 pieces of donuts.

Saturday, July 25, 2009

Sabado na busy

Atat na atat ako na nagpunta sa Chinatown para balikan ang stretch of travel agents na pwede kong bilan ng ticket to Japan. Naka-apat yata akong offices, pero sa original agent din pala ako babagsak.

I finally booked my ticket to Japan at nasabihan ko na din ang mga milyonarya kong friends na dadating na ang kanilang poor friend.

Medyo naging malungkot ang ambiance ng sabihan kami ni Joe na uuwi sya ng Indonesia kasi his Aunt passed away. Hindi naman sya masyadong malungkot, actually sinamahan pa namin na mamili ng medicine and some stuff para sa mga pamangkin nya. And during the dinner, sugod kami sa Lulu's located at City Hall.
Isang tambak na pagkain na naman ang pumasok sa tyan ko. Na sinimulan ng appetizing na mane ni Lulu. Na sinundan ng another appetizer na paborito kong gulay (except pipino na hindi ko talaga kayang kainin).
At ang main courses:

This is crispy chicken na talaga namang masarap. May angghang factor pero sanay na sanay naman na ako na tirahin ang sili.

At ang famous na lalagyan ng milk tea na mukang garapon ng Pilipinas.

Drinking Friday

July 24, 2009 - Friday. I went out with female friends as Guen was craving for Filipino foods particularly sinigang. We went to Lucky Plaza and ordered sinigang na hipon, crispy pata and calamares. Doc C was drinking beer while eating dinner and that made me envious of what she was drinking. The next thing I knew, may isang balde na ng beer sa table namin.

Hindi naman ako masyadong uminom ng beer kasi nakakalaki 'to ng tyan (look who's talking) kaya nakadalawang bote lang ako ng SanMig light. Pero yung picture ko na to, parang takot akong malasing at ingat na ingat ako sa bag ko na talaga namang nakapalupot na sa leeg ko.

Maaga pa ang gabi pero maaga din natapos ang gabi namin. After female friends, mga male friends ko naman ang tumawag saken at pinapasunod ako sa isang mamahaling inuman na kung hindi ako nagkakamali, 20 dollars ang isang baso ng beer. So, in short, hindi ko pinatulan ang mga lintek na gastador. Bago kami maghiwalay ng mga female friends, nagkodakan pa muna kami sa mamahaling shopping mall na Paragon.

Wednesday, July 22, 2009

Canon 50D

Parang awa mo na, patulugin mo naman ako! Pwede ba, wag ka nang lumalabas sa panaginip ko dahil hindi kita bibilin anytime soon. Leave me in peace!!!!!!
Ano ba?!?!?!?!?!?!?

Harry Potter and the Half Blood Prince

Medyo disturbing na ang muka ni Harry Potter sa big screen kasi hindi naman sya panget, pero hindi din sya gwapo. Actually, muka syang nerd. Isa pa si Ron Weasley, sya ang talagang panget. Mabuti na lang at kinuha lahat ni Hermione ang ganda, dahil habang tumatagal, lalong gumaganda si Emma Watson.

First of all, hindi ako fan ng Harry Potter movie. Actually, until now, nalilito pa din ako sa mga characters (except of course the trio). Anyway, medyo plain ang plot ng movie kasi napaka simple ng story pero may malalaking changes. Shocking din ang revelation kung sino ba talaga ang half blood prince na lalabas sa last quarter ng movie.

Nakakatuwa ang mga teenagers na nagsisimula nang makaramdam ng "libog". Nakakakilig ang mga selosan na medyo touching din naman lalo na kapag selos na ni Hermione ang nasa screen.

Eto ang catch .... nakatulog ako ng 5 minutes sa sinehan. Hindi naman dahil sa panget ang movie, but dahil sa sobrang pagod. Mabuti na lang at kinabog ako ni miss beautiful dahil nakatulugan ko ang isang magandang eksena. Must-see movie pa din ang Harry Potter lalo na kung talagang suportado sa mga nauna nang installments.

Sunday, July 19, 2009

Weekend

July 17, 2009 - Friday. It was 10:00PM when I decided to just visit a friend and mag food trip. Naghapunan muna ko ng napaka saganang baked carbonara bago sumabak sa magdamag na kainan. Isip ako ng isip kung ano ba ang pwedeng kainin na hindi nakakataba para naman hindi mahirap matulog. At of course, ang paborito kong rambutan ang naging solution. Sugod sa fruit stand at konti lang naman ang binili ko, limang kilo lang. Yes, limang kilo para sa dalawang tao! Ang ending, naubos namin ang limang kilo ng rambutan at about 20 pieces ng mangoosteen.

The rambutan attacked was accompanied by watching dvd which I have forgotten the title already cos I was really paying attention on my eating.

July 18, 2009 - Saturday. Sugod ako sa Chinatown para samahan ang isang friend na maghahanap ng package to China. And ako naman, hanap ng ticket to Japan. I got few prices from Singapore Airlines and ANA. Still checking all the possibilities, and I am really hoping na I will see Japan this time around.

I got this photo inside the travel agency office.

July 19, 2009 - Sunday. My friends visited our house for a lunch party. Walang okasyon pero nagkasundo lang lahat na mag-lunch altogether since matagal-tagal na din kaming hindi nagkikita lahat. We had kare-kare, adobo, bilo-bilo, fruit salad, leche flan, different types of cakes, fruits, ice creams, goldilocks polvoron, and a lot lot lot more foods. After lunch, ako naman ang barista, I prepared screw driver for all the guys. And while I am typing this (10:35PM), meron pa ding mga friends sa labas na nagkakantahan naman, while balik na ko sa room ko kasi umalis naman na ang special bisita ko. Ang dami na namang laman ng fridge, for sure, lolobo na naman ako neto :(

Tuesday, July 14, 2009

Sunday Movie

TAMA! Pinanood ko ang Haunting in Connecticut! Nagbayad ako ng 10 dollars para pahirapan ang sarili ko sa loob ng sinehan sa loob ng isa at kalahating oras. Ang ayoko sa movie na to .... NAKAKATAKOT! I can watch monsters or thriller movies, pero iba ang horror movie na to kasi mga multo talaga ang bida. Pero kahit na scary movie talaga, nag-enjoy din naman ako dahil nakakagising ng dugo ang movie na to.

Sunday, July 12, 2009

iPhone Finally

The second generation iPhone or simply called the iPhone 3G(S) was launched last Friday (10 July 2009) here in Singapore. The opening of the gate of Singtel was 8PM, but I heard from a friend that the queue started to built up around 4PM. I tried my luck last Friday and see if I can squeeze in. I reached SingTel at 10PM and I was so shocked to see the very loooong queue which according to customer service will take me 6 hours in order to reach the booth for iPhone. And so I went home for the first time without iPhone.

Came the next day (11 July 2009, Saturday). I came back to SingTel at 11AM cos the gate will only be opened at 10AM, but the same story goes. It was a long trail of people trying to have the iPhone at first hand than the rest of Singapore people. The estimated waiting time was 5 hours, this is something that I cannot ever ever take. For the second time, I went home without iPhone.
I visited a friend from Manila (Sheryll) who happened to have been celebrating her birthday in Singapore. I travelled to her house just before the dinner and I was surprised to see some familiar faces around. It is such a small world after all! Hindi ako nagtagal sa house kasi I want to go back to SingTel and try mu luck again. And this time round, ito na ang pangatlo kong pagtatangka na i-redeem ang iPhone reservation ko. I reached SingTel at 10PM, as usual my pila pa din pero hindi na kasing OA like nung dalawang beses ako na nagpunta. This time round, 2-3 hours na lang ang estimated waiting time. This is really is it! Hindi ako pumayag na umuwi uli ng bahay na walang bitbit na iPhone. I am so joining the queue no matter what. Nakakatuwang pumila sa iPhone, ito na yata ang pinaka prestigious pilahan na nakita ko sa buong buhay ko. Imagine, may libreng mineral water sa pila. At ito ang hindi ko matanggap sa lahat, may cheesecake para sa mga nakapila!!!!! WTF! Ang yaman ng SingTel. Customized cheesecake pa kasi may iPhone na nakalagay sa ibabaw ng cake. Tsk tsk tsk.

It wasn't very long until I reached the iPhone booth, it took me less than an hour to be exact. There were couple of familiar faces in the queue (Mark my officemate) na kailangan kaming magsigawan para mag-usap. And I met another good guy na katabi ko sa pila dahil bumilib daw sya sa ingay ko and that I saved our batch sa pakikipagtalo ko sa isang SingTel staff na gusto kami gawing less priority sa pila by giving way to another batch of people. Hindi sila pwede sa Pinoy!

I finally reached the counter. And I got my iPhone 3G(S). I am proud to be the first batch of mapapalad na nakahawak ng latest iPhone.

Wednesday, July 8, 2009

Atat sa iPhone

Mahirap magpa-book online at ilang credit cards din ang na-declined for an unknown reason. Pag dating ko sa bahay, kinarir ko ang pagpapa-book, and finally, I got my price. Ano ang price, eto panibagong gastos.

MJ's Memorial

Para akong bangang na pumasok sa office kasi halos wala akong tulog magdamag. I watched the live coverage of CNN's Michael Jackson memorial at Staples Centre. It was exactly 1:34 AM nung nilagay na ang casket ni Michael sa harap ng stage while there was a choir singing repeatedly the lyrics of something like meeting the King. It was very impressived from the private ceremony to the convoy of cars to Staples. Grabe, pinasara ang free way na dadaanan ni Michael. Hindi lang sya importante nung buhay pa sya, pero hanggang sa death pala importante pa din sya.

Naisip ko lang, sa buong buhay ni Michael, sya ang nag-eentertain sa mga tao. This time round, ang mga sikat na tao naman ang nag-entertain sa kanya, yun nga lang, hindi na nya nakikita. Tama nga yung sinabi ng isang journalist na si Michael ang greatest entertainer in the planet, the shiniest star on earth. Parang nabawasan ng glow ang earth nung nawala sya. I'm sure, pwedeng gamitin ng earth si Michael kung magkakaron man ng sing and dance competition ang 9 planets of the solar system. Ngayon, wala nang representative ang earth. Patay!

Nakakalungkot lang. Ewan ko, hindi ko ma-explain. Sana makita ko pa ang "Beat It" shirt ko na matagal ko ding sinuot when I was in high school, I know may picture ako na yun ang suot ko, sana mahukay ko sa baol para may memory ako ni Michael nung kasikatan nya.

May replay ang memorial at 10:30PM-1:00AM, I'm sure puyatan na naman to sa kwarto ko. Haay, Michael.

Tuesday, July 7, 2009

Church After Work

I missed the Sunday mass last weekend cos I was trapped in the house due to heavy rainfall. And so I went to Novena Church which is just accross my workplace immediately after I knocked off at 6:00PM. It was a peaceful evening as there was no crowd during the mass on weekdays and the homily was also intended to be shorter than on Sundays.

Church interior

Exterior
After the mass, I discovered something, I noticed that my workplace has a very good angle from the church with its back view facing the gate of Novena Church. I thought it was cool posting my workplace in this blog :)
Yesterday, I had dinner with a friend (after my haircut). Kwentuhang kutchero na naman ang topic namin. This time, parang gusto namin magpunta ng China "OR" Japan. It has been one of my dreams to see the Great Wall of China that was the reason why China suddenly appeared in the picture. I will be getting my bonus soon, kaya naman may K ako na magplano ng travel plans (even a major travel will do) although hindi ko pa alam kung magkano ang bonus ko. Baka singkwenta pesos lang pala, tapos asamtionista ako na magja-japan at china pa. Anyway, these are the things that keep me busy during my spare time - scouting for a good place to visit, that is. It may or it may not happen, but the joy of planning travels is just enjoyable as the destination. And so I am seizing the moment of researching for an exotic and yet picturesque angle of any town. If any of my travel plans will push through, then that will going to be my birthday treat for myself :)

Sunday, July 5, 2009

Friday Gimmick

July 3, 2009, Friday. Guen sms inviting me to dine somewhere after work. Better idea moved us to Joe's cafe and had pizza, baked pasta, etc.

It was 9:30PM when we went to Grand Park Hotel as Guen's friend (all the members of the band) will be playing all night at this hotel. I had long island tea and a bottle of budweiser, and later on followed by two glasses of wine. Enjoy kami sa band ni Liza, they have played most of the requested songs we asked them to play. Of course, sinabayan ng halos lahat ng guests when they sung Heal The World.

At the hotel lobbyAfter listening to good music, we decided to went home, pero kumabig sa kaliwa nung biglang naalala na may masarap na kainan somewhere in Novena. So, pinuntahan uli namin ang isang bar na tabi lang ng workplace ko and we had pancit na especially cooked by a pinoy chef na nakakatuwa kasi kilalang-kilala pati ng owner yung mga friends ko. Kaya naman, parang may vip treatment pa from the owner. Todo kwento sya especially nung nalaman nya na sa revenue house ako nagwo-work. Mukang natakot, hahaha!

It was night of alcohol (once again) with a company of good people.

Ice Age 3

July 2, 2009, Wednesday. I watched the premiere show of Ice Age 3 with few friends. Unexpected ang story kasi para talaga nila ginawang cartoon ang Ice Age 3. Medyo nawalan ng relevance sa reality ang story. Pero it is still a must-seem movie.

They