Bakit ganito, nangangati na naman ang kamay ko na bumili ng gadget. Gastos na naman to. Kagabi, kinausap ko na ang sarili ko na tama na muna ang bili kasi kakabili ko lang ng high rated camera last month. Nakinig naman ang sarili ko sa sarili ko. Pero everytime na mapapadaan ako sa electronic shops, talagang may tumatawag sakin ng “Ray, Ray …….. bring me home, please, please I am begging you!” Nagtatakip na lang ako ng tenga habang tumatakbo papalayo sa shop ……
Kanina, sinubukan kong lapitan yung device na tumatawag sakin, nagulat ako kasi isa pala syang camera. Canon digital camera sya na eto ang highlight na hindi ko sya maiwan-iwan --- kulay PULA sya. Nagmumura sa kapulahan. Of course, hard to get ako kaya hindi ko sya inuwi. Pero, pero, pero sa kabila ng pag-alis ko sa shop, kung magpa-flash lahat ng camera sa lahat ng taong malungkot na makikita nila …. malamang na magliwanag ang buong shopping mall sa dami ng flashes na tatama saken.

Pag balik ko sa desk ko, I checked my yahoo mail ……. laking gulat ko sa content ng email ……. May parating na naman na IT show from June 11-14, 2009 and that is going to be tomorrow. Oo, tama, bukas na sya!! Isa ba itong premonition? Isang napakalaking sign ba ito na puntahan ko ang IT show at tuluyan nang iuwi ang namumulang camera na pakiramdam ko lalo syang namumula pag tinititigan ko? Ang hirap ng sitwasyon ko. Litong-lito na ko.
1 comment:
mahal says: pagkatapoch ng video cam eto naman ang bibilhin mo, maaga pa cha araw ng mga pucho.chaka mahal eto, mahal!
Post a Comment