
Isang simpleng tao lang na tahimik na nagtatrabaho, hindi nya ine-expect na mababago ang buhay nya sa isang simpleng call from hostage taker. Ganon naman yata talaga ang buhay, ang dami kong nakakasalubong sa karsada, sa mrt, sa bus ... kung titignan ko sila, para lang silang mga ordinary people na pupunta sa work, pero behind that, may wall na nagtatago kung sino ba talaga ang mga taong ito. Pwedeng isa sa kanila ang parang pinagtakluban ng langit at lupa, pero tuloy pa din ang lakad ng buhay. Sino ba sa mga kasalubong ko sa umaga ang mag-aakala na may malaki akong problema? Wala din naman :)
Wala lang, nai-relate ko lang ang sarili ko sa pagiging simple, ordinaryong tao, pero may mga naghihintay sa paligid na pwedeng makapagbago sa buhay. May sense kaya ako?
No comments:
Post a Comment