At talagang nagpasundo pa sa Airport si Bombarda. Tamang-tama naman ang dating ko, kasi almost 10 minutes lang ako na naghintay sa labas bago lumabas ang lakambini ng Purok Talisay. Agaw pansin si insan sa talaga namang nagmumurang PINK na kanyang maleta (na bagay naman sa personality nyang pink din). Hindi na kami nagsayang ng oras at dumiretso nang umuwi sa Kim Keat, then sugod na agad sa Sentosa. Ang una kong pinakain kay Ofel was Hokkien Mee (my ultimate favorite local food). Demanding si Ofe, kasi nagrereklamo ng mainit, na nauuhaw sya, at minsan, nagbibitbit din ako ng camera nya. Pag dating naman sa pikchuran, gusto nya laging madaming shots kahit na iisang pose lang. Pero lagi nya naman sinasabi ang "Ang taba ko" sa lahat yata ng pictures nya. Mabuti na lang sunog ang balat ko ngayong panahong to, kasi kung maputi ako, malamang may isa pa syang dayalog kapag tumitingin sa pictures, no other than ... "Ang itim ko".
We stayed late sa Sentosa kasi we cathed the 8:40pm show of Songs of the Sea. Then after that, we walked the lanes of Clark Quay. Dito na din kami nag-dinner sa isa sa mga Thai restaurant. At sino pa ang magbabayad ng mahal na pagkain kundi ang galing sa Japan, hahaha! Mahina palang kumain si Ofel, kasi naman, ang huli yata naming kain dinner, was 10 years ago pa. Kaya halos hindi ko na din matandaan kung gano ba sya kahinang kumain. Pero mabuti naman at mahina syang kumain, kasi sakin lahat napupunta yung hindi nya maubos.
The following day, we went to the Zoo just to catched the 3 main shows which started at 1:30PM. It was a hot sunny day in the Zoo. After that, we went to Esplanade and have a closer look at the Singapore's icon, which is the Merlion. Walang hilig si insan sa picture, kasi mga 300 lang yata ang pictures nya sa loob ng tatlong araw. Hindi na masama.
Our 2nd night dinner was a Taiwanese food, which happens to be one of my favorites again. We had hardcore dim sum and tasteful beef soup with of course, the main course na shrimp and pork and baby kailan.
The 3rd day was the shopping day. Pinakyaw ni insan ang mga souvenirs sa Chinatown at sa Orchard. Syempre dinala ko sya sa Lucky Plaza kung saan makikita ang mga kabayan natin na "OFF" kapag Sunday. Kaya sa Paragon na kami nag-lunch ng Indonesian food naman (puro na lang peyborit ko to).
At hindi nakaligtas ang beautiful friends ko na ma-meet ni Ofe, kasi on the 3rd day, nag-anak ako ng binyag kaya sinama ko na din si Ofel sa venue, where she met most of my Singapore-based friends.
May kadugtong pa ang shopping namin sa gabi kasi madami pang laman ang wallet ng tinaguriang Miss Poblacion (Most Punctual Award). Teka pala, hindi ko naisulat sa unahan... nagpapalit ng pera si donya at talaga namang nanlaki ang mata ko sa value ng pinalit nya. Kung magkano man yon, secret ko na lang!
Napakabilis ng tatlong araw na visit ni Ofe sa Singapore. Parang wala man lang kami naging time para pag-usapan yung ibang kaibigan namin na halos hindi na din nagpaparamdam. But nevertheless, we had a wonderful moment together as we reunited on behalf of our missing friends. And on the next level, I will really try harder to save money in order to see Japan .... very, very soon.
4 comments:
hahhahahahha....
demanding ba....sorry po...
anyway, nag-enjoy talaga ako kasi meron akong friend na mapapaglambingan ng hiling ko..pogi na, camera man pa, tiga bitbit pa ng aking walang bateryng
video..hhahahah...
salamat ng malaki insan...
mmwaaaahhhhh.....
ob.
walang anuman ... raypot
insan di ka yata masyadong busy noh?hahhahah...
anyway, pagbutihan mo ang bago mong trabaho...i know you can make it...
ob.
mga adik sa picture, hahahaha!!! (marita)
Post a Comment