It has been like 10 days since the moment I started looking for a jacket. Nangangatog kasi ako lagi sa office dahil para akong nasa loob ng fridge sa lamig kaya daig ko pa ang buntis sa dalas umuihi. Dahil sa kakuriputan ko, hindi makabili ng jacket ang budget ko na $50, kaya halos hinalughog ko na ang buong Singapore (na makakabili na ng magandang jacket ang naubos ko sa pamasahe sa bus) pero wala akong makita na swak sa pera ko. Hanggang kanina, hindi pa din ako sumusuko at dinala ako ng paa ko sa Nautica .... sa wakas, nahanap ko na din ang jacket na pinapangarap kong design. Lampas hanggang langit man ang presyo kumpara sa budget ko, gustong-gusto ko naman, kaya konek-konek na din. Lalo ko tuloy naisip kung gaano ako kamahal ng parents ko, kasi nung nasa University pa lang ako sa Baguio, para lang akong bumibili ng softdrinks kapag nagpapabili ng jacket sa nanay at tatay ko. Eh ang mamahal ng jacket pero sige lang sila sa pagbili alang-alang sa anak nilang hindi naman alam ang value ng pera. Natuto na din naman pala ako since 1994 to 2009.
Si Jose, na pinoy officemate ko ay may discount naman sa halos lahat ng sports apparels kaya nagamit ko ng todong-todo sa pagbili ng running wallet ng Nike na $19.99 lang naman pero ewan ko ba kung bakit hindi ko mabili.
2 comments:
mai says: sus, maniwala naman ako pang office lang yan, pang sagada yan eh :p
hahaha! saka na ang pang sagada - pot
Post a Comment