The past two weeks of my life was like a roller coaster ride. Umalis ako sa SingTel ... at aaminin ko na nalungkot ako lalo na sa mga huling oras ko na. Nakakalungkot nung nagpunta ko sa toilet at naisip ko na yun na ang huling tingin ko sa salamin na yon, after so many years na don ako nag-aayos ng damit ko.
After my long week vacation sa paraiso ng Visayan region, sumalubong naman sakin ang bagong team. It was April 27 when I reported sa IRAS, mababait ang team mates ko. Unang napansin ko lang, masyado silang serious sa lahat ng bagay. Pati sa pananamit masyadong professional, hindi ko tuloy ma-fold ang long sleeve ko kahit sa lunch :)
Isang toneladang adjustments ang gagawin ko pero ready ako na harapin ang bagong challenges sa karera na pinasukan ko.
No comments:
Post a Comment