I watched this movie yesterday after work. Nung una may doubt ako kung ito ba ang papanoorin ko or Fast and Furious na lang. Pero naisip ko na mahal na araw naman, kaya yung less noise na lang na movie ang pinili ko. And so dito na ako nauwi sa Knowing ni Nicolas Cage. Ang sinabi ko lang sa kasama ko after the end of the movie ..... ito na yata ang one of the most brilliant movies I have ever seen in my entire life.
Medyo nakakatakot at nakakakiloabot ang content ng movie pero may napaka laking message sa lahat. Somehow nai-relate ko pa din ang holy week kasi pinakita sa movie yung love ng tatay sa anak nya, na gagawin talaga ang lahat para sa ikabubuti at kaligtasan ng anak nya. Pero sa bandang huli, binigay din ng tatay yung anak nya sa mas nangangailangan. May iyak factor din sa bandang dulo ng movie at meron ding at least 5 minutes na twist na ikinamangha ng marami.
Ito yata ang second movie na napanood ko na nagpalakpakan ang audience after matapos. And ito din ang isa sa mga movies na hindi ko pagsasawaang panoorin uli.

No comments:
Post a Comment