Have a blessed season of Lent.
It was indeed a very good representation of how God gave his only Son to saved men from sins. While watching this video, I see myself in the many characters of human, like angry, lonely, selfish .... God knows that I am and yet he still saved me, and let His Son suffer and die on the cross. Ito na yatang video na 'to ang isa sa pinaka clear explanations na nakita ko kung gaano ba ako kamahal ng Diyos.
And this Lenten Season, honestly, hindi ko alam kung pano ba ako mag-cecelebrate ng meaningful one. Nakaka-miss somehow ang traditional holy week sa pinas especially sa town namin na talagang actively participating ang parents ko sa lahat ng church schedules, kaya ayon, nahahawa na din ako sa kanila. Sumasali ako sa prusisyon, at nagbabantay din ako sa simbahan during the vigil. I remember, pinipili ko pa nga ang madaling araw, halos lima lang kami sa simbahan na ang usually kasama ko, mga lola ng Natividad. Ito din yata ang naging reason kung bakit ginawa akong youth leader ng parokya.
During my early years in Singapore, member ako ng choir for two years, kaya kahit papano nakakasali ako sa mga holy week activities like Visita Iglesia, Station of the Cross. Presently, hindi na ako nakakasali sa mga ganitong activities. Sa sarili ko, kahit papaano sinusubukan ko na lang na maki-isa like hindi ako kakain ng karne bukas, as much as possible gagawin ko muna yung tahimik na araw during the Good Friday, less music, less tv. Kung lumabas man ng bahay, ay para lang siguro wag akong makulong sa bahay. May isang friend nga ako na nag-invite ng gimmick on the Good Friday itself, pero I declined it muna. Ito lang naman ang isa sa mga season na magpapaka-KJ muna ako.