Wednesday, November 12, 2008

Tinawagan ko halos lahat ng kaibigan ko

Concert ni Rihanna bukas, at ewan ko ba naman kung bakit ngayon ako naging aligaga na manood, to think na last week pa nakabili ng ticket ang ilang friends ko. Ang ending, naubusan ako ng affordable ticket, at puro mamahaling ticket na lang ang naiwan. And worst, wala pa akong makasama. Kaya naman, habang kumakain ako ng masaganang hapunan, nagtatatawag ako sa halos yata lahat ng naisip ko na may possibility na sumama sa akin. Pero until now, wala pa din akong nahahanap.

Natatawa ako na naaawa sa sarili ko habang naghahanap ng makakasama kasi halos makiusap ako na samahan ako, pero mukang hindi ako mapalad, hahah!

Ganun pa man, nilantakan ko na lang ang sobrang sarap na hapunan ko na may kasama pang isang bloke ng chocolate cake.


No comments:

They