Tuesday, November 4, 2008

Multo ba ang nakausap ko?

I have been calling my Mom since early morning of Undas cos I know they will be visting cemetery. I thought it will be a good time as well on catching up with my cousins who I lost contact with. And once again, I find it very difficult calling my Mom. In short, I didn't get to talk to her and my cousins too. I have been calling her for many times during that day, pero pinanindigan ni Mama na wag sagutin ang phone nya.

Come November 2, Sunday, about 5:00PM. Tumawag uli ako kay Mama, after 4-5 rings, finally sumagot din sya. She said "hello", so I said "Ma!". I realized na hindi boses ni Mama yung kausap ko kaya tinanong ko kung sino sya. Hello lang sya ng hello sakin na parang hindi nya ako naririnig. At that moment, medyo nilakasan ko ang boses ko kaya narinig nya din ako. I said "Pakibigay nga kay Ma itong phone. And sino ka?" .... then she said "sandali lang". I know binaba nya ang mobile phone para tawagin si Mama. Inabot ako ng almost 1-2 minutes kakahintay pero hindi dumadating si Mama. So I ended the call kasi ang lakas kumain ng dollar ng oversea call.

Sunday nung tumawag ako na may sumagot na babae, then Tuesday, finally nakausap ko na si Mama. Pinag-usapan lang namin kung saang hotel kami mag-stay pag sinundo nila ako kasi kasama ang mga pamangkin ko na since February pa lang eh nagbibilang na ng araw ng uwi ko. Medyo sinita ko na din si Mama na pinaghintay nya ko last Sunday na naka-hang ang phone ko. Medyo nagulat ako nung sinabi nya na wala namang tumawag sa kanya para sabigin na nasa line ako. At ang Regal Shocker, dalawa lang sila ni Papa sa bahay buong araw ng Sunday at walang ibang humahawak ng phone nya but her, not even her assistant daw sa office answers her phone which I understood cos it is a private stuff.

Ang tanong .... sino yung sumagot ng phone ni Mama?

7 comments:

Anonymous said...

mai says: si mira yun!!

Anonymous said...

saka baka gusto nya sumama sa pagsundo sayo sa airport matagal ka na nyang gustong makita ni mira...

Potchie said...

sino si mira?

Anonymous said...

si mira ang multo sa "kulam"

Anonymous said...

insan, kinilabutan naman ako sa kuwento mo...ano yon meron multo sa bahay nyo? ganun ba yon.?

naku ha.

ob.

Potchie said...

hmmm, madami na kasi nakakita ng kung anu-ano sa bahay namin e. may kaibigan nga ang tatay ko na nagpunta sa bahay .. nasa terrace kami lahat, tapos sya naman nagpunta sa kitchen namin ... (alam mo naman kung gano kalayo ang kitchen namin sa terrace di ba?) hehe. tapos pag balik nya sa terrace, sabi nya sa amin "dito pala nag-ayos yung mga magje-JS" .... ang lintek na bisita ng tatay ko, nakakita ng mga babae na naka-gown sa kusina namin.

Anonymous said...

ganun...ay naku...
nakakatakot naman pala sa inyo..

anyway, basta wag lang kayong magkakasakit na pamilya..ipag-pray na lang natin sila....

wala na bang kasama sa bahay ang papa at mama mo insan?nasaan si jc?

ob.

They