Sunday, April 25, 2010

Preparing to move to another house

April 25, Saturday. Maghapon ako sa lilipatan kong bahay. Linis na walang humpay ng store room to make space sa pagdating ko. Naggaling-galingan pa ako na ako ang maglilinis ng store room, pero, pero, pero .... wala pang 10 minutes at abot na ko ng bahing ko caused by dust. Ang ending, gumamit ako ng mask na hindi umepekto dahil after one hour, nagluluha na din ang mata ko. After 3 hours, wala nang tigil ang tulo ng sipon ko. In short, natulog ako after 3 hours na wala pa akong nagagawa dahil sa sama ng pakiramdam ko. Haaay, bakit ba may taong napaka selan sa alikabok?

So, para naman may contribution ako, ako na lang ang humawak sa bestfriend kong vacuum. I cleaned the toilet, the room, the living room na muka akong holdaper dahil nakatakip ang muka ko :(

Natapos ang araw ko sa pagkain ng sinful burger sa Carl's Jr na parang lagi kong napaglilihan.

April 26, Sunday. Sad to say, I was working on a Sunday morning which was supposed to be for two hours only na inabot ng 5 hours. I rushed home immediately after work kasi kailangan ko ng ilagay sa boxes ang lahat ng gamit ko para ipauwi sa pinas.

Inabot ako ng 11pm at isang box lang ang natapos kong ayusin. Ito na yata ang araw na napaka dami kong naitapon. Lahat ng gamit ko na nakakasikip lang ng space like CD, mails, magazines, etc. etc., sa basurahan na nauwi.

I am planning to move to my new house with only 2 luggages. I reduced my stuff to these para madali akong umuwi ng pinas anytime I will decide to. Tomorrow, another packing-day na naman or should I say, another tapon-day na naman. But I guess, wala na akong maiitapon kasi puro useful na lang ang naiwan sakin.

PS: Habang naglilinis ako ng bahay, wala din akong humpay sa pagkanta, na ewan ko ba naman kung bakit ito ang kinakanta ko kahapon. Anyway, isa naman kasi to sa mga paborito kong kanta, kaya hindi na masama:



You are the one who makes me happy

When everything else turns to grey

Yours is the voice that wakes me mornings

And sends me out into the day

You are the crowd that sits quiet

Listening to me

And all the mad sense I make



(*) You are one of the few things worth remembering

And since it's all true

How could anyone mean more to me

Than you



Sorry if sometimes I look past you

There's no one beyond your eyes

Inside my head wheels are turning (Inside my head the wheels are turning)

Hey, sometimes I'm not so wise

You are my heart and my soul

My inspiration

Just like the old love song goes



Repeat (*)



You're my heart and my soul (You are my heart and my soul)

My inspiration

Just like the old love song goes (Just like the old love song goes)

Monday, April 19, 2010

Shopping on a Saturday

April 17, 2010. Kakain lang ako sa Swensen ng libreng banana split after I finished two packs of Lays ng biglang may nag-abot sakin ng pamphlet from ion shopping mall na may 20% off ang ilang shops nila. Natapat pa naman sa paborito kong Converse at World of Sporting House. Kaya after ko maubos ang banana split, sugod sa sale.

Hindi inaasahan na wala akong size sa shoes na gusto ko pero napalitan naman ng isang kilong excitement kasi sale na finally ang tsinelas na napaka tagal ko na gustong bilin, pero pinipigilan ako ng presyo nyang $90 dollars. Pero sa wakas, bumaba na sya sa $71 dollars. Hay, kasarap isuot ang isang bagay na kay tagal kong inasam.

Sumunod naman ang G2000 para naman sa office attire. Naka dalawang pants naman ako, pero solved na din kasi worth it naman ang mga nabili ko.

Sunday, April 18, 2010

Bangkok Getaway

April 9-12, 2010.

It has been an enjoyable week so far since I survived the what I called "second life". Daming work, ang hirap makipagsabayan sa mga officemates ko na puro expert na kaya when I get the chance to travel again, hindi na ko nagdalawang isip pa. I flew to Bangkok for the nth time on April 9-12 with few friends. This trip was pursue aside nagkakagulo ang mga red shirt protesters sa Bangkok, I will honestly say na natakot akong tumuloy pero palaban lahat ng kasama ko kaya nahawa na lang din ako.

1st Day. We arrived Bangkok at 8AM local time, diretso checked in sa hotel. At diretso gala na din.
If I remember correctly, naghilamos lang ako sa hotel at nagpabango, then sibat na uli. Nagtapang-tapangan ako na kumain ng spicy rice with chili, ayon, parang kailangan ko ng bumbero sa kalagitanaan ng lunch ko. Gaano katindi ang sunog ng dila ko? Well, kinailangan kong lagyan ng pipino ang dila ko para maka-recover sa anghang. Pero bumawi naman ako sa dessert dahil hinanap ko ang dahilan ng Bangkok, ang sticky rice with mango na lagi kong kinakain everytime mapupunta ako ng thailand. Dumating ang gabi at naisipan namin na mag-dinner sa Banyan Tree. Halos mahulog ako sa upuan ko kasi ang price ng isang slice na isda na order ko ay P3,000 pesos, pero pinikit ko na lang ang mata ko sa pagbayad dahil sulit naman kasi nasa 61st floor kami ng Banyan Tree hotel at kitang-kita ang kabuuan ng Bangkok na nakakabilib naman pala sa kagandahan. 2nd Day. We met Matthew and Desmond, with Joe, lagalag kami sa Wat Arun na first and last time kong nakita when I was just 15 years old. Since medyo malapit ang hotel namain sa temple na to, hinila ko na lang sila na samahan ako na magpa-picture sa pomosong pagoda. Sa sobrang init ng panahon at pagod kagagala namin, sa Health Land kami nauwi that night. As always, hindi na naman ako napahiya sa service ng Health Land. Superb ang Aroma Therapy massage na nasa isang private room pa, accompanied with soft music and dim light, haay kay sarap!
3rd Day. May business si Joe kaya hindi ako nakialam. Kain ang ginawa ko habang naghihintay. And lunch time, sa Cha Tu Chak ako naggala with the tropa na. Unfortunately, wala akong nabili sa sobrang init. And at night, isang relaxing foot massage naman just the spa beside our hotel.

4th Day. MBK shopping mall lang at food trip. Kinain ko ng walang humpay ang pritong icing na pinandirian ako ng mga kasama kong chinese na sobrang takot sa asukal.




Enjoy ang apat na araw sa Bangkok, kahit na natapat pa man kami sa rally ng red shirts. Tuloy na tuloy pa din ang mga plano namin, kasama na yung clubbing in between nights. Sobrang sarap ng mga pagkain, sobrang mura ng services at very friendly ang mga local. See you again sa July (sana).

Saturday, April 3, 2010

My Second Life

Today, April 3, 2010, marks my second birthday! Panibagong buhay!

It was around 3PM, kausap ko ang isang kaibigan at matiyaga kong ine-explain ang meaning ng sabado de gloria at kung paano i-celebrate ito ng mga pinoy. Habang kausap ko sya, nanginginig ang tuhod ko at sa totoo lang, walang tigil ang dasal ko habang nagkukwento ako ng kung anu-ano. Para bang paraan ko lang para malibang ako at pansamantala kong makalimutan yung stress na pinag-dadaaanan ko.

Hanggang sa dumating yung oras na kinatatakutan ko, kailangan kong madaanan ang isang process na hindi ko kahit kailan man inisip or pinangarap na kailangan kong pagdaanan. Pinaghandaan ko ang araw na to, pumili ako ng magandang damit, ng magandang short, ng magandang shoes.

Matapos ang ilang minuto ..... nakita ko na lang ang sarili ko na kausap si Mama at halos hindi maawat ang luha ko sa pag-iyak. And this time round, tears of joy na yung iniiyak ko.

Ang tapang-tapang ko na ngayon. Dati takot ako sa sakit ng ipin, takot akong masugat, takot ako kapag sinusumpong ang sakit ng ulo ko, takot ako sa office, takot ako sa ibang tao, takot ako sa bagong pagsubok ..... pero mula nung pagdaanan ko yung matatawag kong "greatest trial of my life" since November 2009 at nagtapos kanina ...... naging mas matapang ako. Iniisip ko tuloy ngayon, ano pa kaya ang makakasakit saken after all these? Nakakatakot din pala, kasi habang tumatapang ka, baka naman papabigat din ng papabigat yung mga susunod na pagsubok sa buhay ko.

Friday, April 2, 2010

Good Friday Reflection

It's Good Friday. I am on my way to a friend's house not to party but to re-play the movie "Passion of the Christ". Earlier on, while I was sitting in my room and fresh from bed, I turned on my pc just for the sake of checking any SMS message from my mom and realized that I can easily medidate via Youtube, and so I found this video.

They