Thursday, December 31, 2009

Chipmunks 2 and Avatar

December 28, 2009 (Monday) - It was a very quiet day in office cos most of the staff were not working. After work, I watched Chipmuncks 2. Surprisingly, extra lang naman pala si Charise, akala ko pa naman one of the Chippets na sya.

December 30, 2009 (Wednesday) - I was on leave this day cos I have to clear at least one day for the 2009 else my annual leave will be forfeited. And on this day, I finally managed to book a seat for the Avatar movie, that was after two weeks of trying my luck to book a ticket.

And true enough, this movie will change the movie calibre cos it has set the standard to its highest. For once, parang naramdaman ko na ako ang Alien na naninira ng isang planeta. Yung maka-connect ka sa movie ang goal ng isang movie, and it just happened.

After the movie, napadaan ako sa Zara. At yung pagdaan ko, nauwi na naman sa isang katutak na gastos. I bought 2 jeans and 2 shirts.

And on the following day (Thursday, New Year's Eve), balik na naman ako sa Zara at bumili naman ako ng long sleeves for my daily office attire. Tama na ang dalawa muna this time, with matching red shirt. These past two days has been a day for myself, I pampered myself a lot by getting the simple things I like. Just week before the year ends, I felt sadness, but I don't want to see myself in a desparate situation by just sitting on one corner of my house.

I get up and appreciate the life God gave me. The year is ending soon, and 2010 will be another year of surprises, I don't know what is in store for me, for my family, for my job, for my lovelife, for myself. But one thing is for sure, I will keep on living my life to its fullest.

Thank you God for 2009.

Monday, December 28, 2009

Yuletide 2009

December 24, 2009 (Thursday, Christmas Eve) – considerably one of the saddest Christmas eves I have ever experienced. Maybe I was too longing of the last Christmas break where I was in the Philippines with my family, it was perfect to the point that I have all the resources to share with my loved ones. And this time round, my vacation was beyond under my control as my job performance will suffer in exchange.

Natapos ang work ko ng 2PM at halos ayoko ng tumayo sa kinauupuan ko. Parang gusto ko na lang na lumipas bigla yung Noche Buena. So instead na umuwi ng bahay, nagpunta na lang ako sa shopping mall at nag-aliw kahit na wala naman akong plano na bumili ng kahit na ano. Naubos ang oras ko sa kakasukat ng jeans at shoes sa iba’t-ibang brands, pero wala din naman akong binili. After ko mapagod, I collected my pre-ordered cupcakes at sya kung inuwi ng bahay. Sobrang tahimik sa bahay, walang maingay na nagluluto, walang nagkakagulong tao. Hanggang sa mag-decide ang housemate ko na mag-grocery ng cold cuts para pagharapan namin with wine. And then, isa-isa nang nag-sms ang mga friends na sa bahay sila mag-spend ng Noche Buena. May mass ng 9PM, kumuha lang ako ng damit ko kung ano ang nasa ibabaw at sya kong sinuot. After the mass at nakabalik na ako sa bahay, saka ko lang namalayan na color pink pala ang napili kong damit para sa Noche Buena. Hindi man lang pula para festive ang dating.

Madami din naman ang kinalabasan ng food sa mesa, yung unang cake lang at cold cuts ay nadagdagan ng mas madami pang finger foods, ng beef, more wines, vegetable salad, shepherd’s pie, kaldereta at kung ano-ano pa. Natapos ang party naming ng 7 AM. Kung hindi pa sumikat ang araw, hindi magsisi-uwian ang mga bisita.

December 25, 2009 – Almost 2PM na ko nagising na sinundan ng late lunch from our left overs. Ito na din yung time na tumawag ako sa family ko sa pinas, nakausap ko si Ate ng almost 2 hours yata. Kwento sya ng happening nung inabot nya sa lahat ang regalo kong sobre. Nakakataba ng puso kasi lahat daw sila sa bahay ay parang nabuhay nung nalaman na may bigay pala akong sobre sa lahat. Inumpisahan sa mga pamangkin ko, na sinundan ng kapatid ko, at sa huli naman ang parents. Nagtatalon daw si Mama sa tuwa nung binuksan ang sobre. While nag-uusap kami ni Ate, wala na sa bahay si Mama at Papa, nasa mall daw at namimili ng blouse si Mama at shoes naman para kay Papa. Nakakatuwa ang mga bagets.

Christmas dinner, nag-invite si Bernard (friend ko na nasunugan ng bahay just few months ago) ng dinner sa newly rented house nya. So I went there at nakakagulat ang ganda ng bahay nya. Halos magsisigaw ako nung nakita ko yung room nya na may walk-in closet na parang may mini-shopping mall. Based on my calculation, there are 500 pieces of shirts, 100 pieces of jeans, 500 pieces of long sleeves and etc etc etc. Sabay sabi nya ng “I lost 80% of my clothes on the fire incident”.

Madami akong na-meet na bagong kaibigan sa dinner na to kahit na ako lang ang nag-iisang pinoy.

December 26, 2009 (Saturday) – Sa bahay naman ni Ee Min ang tropa. Hindi ako nag-enjoy sa hapunan kasi mostly ay hardcore Chinese food na hindi ko masyadong kilala. Nagpakabusog na lang ako sa wine na ang presyo ay P30,000 pesos.

December 27, 2009 (Sunday) – nagtipon-tipon ang Chinese friends ko sa bahay para naman i-celebrate ang birthday ni Matthew.

Walang katapusang kainan ang ginawa ko during the long weekend.

Thursday, December 24, 2009

Pain of Losing Someone

Now I believed na may nagdudugtong talaga sa puso ng nanay at ng anak. Kahapon, kausap ko lang sa phone si Ate at si Mama while papunta sila ng SM para mag-grocery para sa Noche Buena. Napakasigla ni Mama, tawa ng tawa kahit na kulang daw ang budget nya para sa Pasko. Pero ngayong umaga, halos hindi daw makatayo sa sakit ng katawan at nilalagnat pa.

Kahapon, isang kaibigan ko ang nawala.

Isang kaibigan ang nagpaalam.

Naramdaman kaya ni Mama yung pagod ko kahapon? Siguro naramdaman nya yung sakit na nararamdaman ko? Ganon pala kasakit. Nagmuka akong katawa-tawa kakapunas ng panyo sa mata ko habang nasa food court ako, parang may gripo sa mata ko na walang tigil kakatulo. Hindi ko na din nakuha pang kumain ng dinner kasi nawalan na ko ng gana. Nakitulog ako sa ibang bahay kasi parang hindi ko kayang alalayan ang sarili ko. Hanggang sa pagtulog, wala akong naiisip kundi yung sakit. Bakit naman kung kailan pa magpapasko saka pa nagkaganito?

Umuwi ako sa bahay ng 7:30AM kanina, and as expected, nagtatakbo ako kasi I need to be ready by 8AM para umabot sa work ng 8:30AM. Nagpaka-professional muna ako at pumili ng maayos na long sleeve para harapin ang another day at work.

Napaka tahimik dito ngayon sa office, keyboard lang ang naririnig ko. Madaming work, pero eto ako at gumagawa ng input para sa blog. Inisip ko na kumain sa canteen (na hindi ko ginagawa usually sa umaga), and for the first time, nagsalita ng ibang words yung ale na nagtitinda aside “coffee or tea?”. She greeted me “Merry Christmas”! Siguro pinitik yung tenga nya ni Lord para i-cheer ako, and true enough, napangiti ako sa gesture nya and I greeted her back. Ito yung maliliit na bagay na nagbibigay ng meaning sa Pasko.

Pero mamayang gabi, pano ko kaya haharapin ang ilang kaibigan ko na makakasama sa Noche Buena na hindi naman alam kung ano ba yung mga pinagdaanan ko kagabi? Bakit ganon? Hindi ko alam. Wala akong sagot.

Monday, December 21, 2009

:(

Bigla akong napagod.

Pagod na pagod.

Sunday, December 20, 2009

Christmas Parties

December 16, 2009 (Wednesday) - I had a Christmas party with another set of friends which was held at James' house. The host just moved to his new "white house" and so the party serves as Christmas party and house warming at the same time.
I gave a Levi's shirt para sa exchange gift and ang host ang nakabunot. While wallet naman ang natanggap ko from Vincent na fresh na fresh from Europe at fresh graduate din.

December 19, 2009 - Another Pre-Christmas dinner na naman ang pinuntahan ko. This time, it was a very special kasi tatlo lang kaming magkakaibigan na nagharap. It was held at St. Regis Hotel, isang napaka gandang hotel na may European touch. The purpose of this dinner was to really have a good talk while having a good meal. We had a french buffet dinner, accompanied by unlimited wine too.
I sent one of my friends to tears nung nag-wish ako para sa aming tatlo, this were the exact words I said during my toast "I wish that whatever problems we had in 2009 will not happen again on 2010. May the good Lord give us another set of problems (then I laughed)" ...... and then she cried. I know madami syang pinagdaanang problema this year kaya siguro masyado lang syang naging masaya na hindi na maulit uli yung mga problema nya :)
My well wishes was then followed by "thank you" from both of them.

Saturday, December 12, 2009

Saturday errands

I met one of the guys from Converse who pimped my chucks because I don't like the outcome, pinapalitan ko ang shoes ko, so binalik ko yung dalawa na ginawa nila.

Afterwards, punta ko ng 313@Somerset to check the latest promotions of Uniqlo, nakakita ko ng napakalambot na material na t-shirts and maganda ang fit saken. Kaya naman, napa-apat tuloy ako.

After mini-shopping, nakatanghod na naman ako sa new iMac at nakikipagligawan na naman ako sa kanya. Sa pagod, isang Western bacon cheeseburger tuloy ang kinain ko sa dinner. After my dinner, I met Cindy and Ate Cleofe, and these ladies were inviting meto join them for yoga session tomorrow. I don't know yet if I will join kasi I thought it's just not me going to a yoga session.

And when I reached home at 10PM, feeling ko gutom ako at walang sustansya ang kinain kong burger, kaya naman to the rescue ang fridge na mabuti na lang may fruits pala, kaya pinainit ko pa ng konti ang nagyeyelo nang ubas. Sarap!

Thursday, December 10, 2009

Christmas Party @ Meritus Mandarin Hotel 2009

December 9, 2009 - Myself, together with my Filipino friends had our yearly Christmas party at Meritus Mandarin. We had a japanese buffet. Sobrang sasarap ng foods, at sobrang dami ng nakain ko, from appetizer to main course to dessert, sulit na sulit.

Sa exchange gift portion naman, si Karyn ang nabunot ko, and likewise, ako naman nabunot nya. For some strange reason, naramdaman ko na mas masaya ang Christmas party namin last year.

Tuesday, December 8, 2009

Regine

I went to Orchard and looked for an item para sa exchange gift with friends tomorrow na gaganapin sa pabulosong Meritus Hotel . Napadaan na din ng dinner sa "Lutong Pinoy" restaurant ng sinigang at lechong paksiw. Na sinundan ni Guen na umorder naman ng bulalo at pritong tilapya, FIESTA!

The best of all, dumating na ang anticipated CD ko ni Regine na bigay ni Lorie.

Sunday, December 6, 2009

Movie, Reunion, Headache, Air Ticket, Alak

Loaded ang weekend ko na inumpisahan ng meeting with Elaine (December, 5 2009) sa paborito kong tambayan na Spinelli dahil tanaw ang Somerset sa terrace na ako pa lang yata ang nakakaalam. Dalawang balot ng pastillas ang pasalubong ni Elaine from Manila na nilantakan ko kaagad. Na sinundan ng matinding sakit ng ulo, na sinundan ng dinner na sinundan ng shopping na sinundan ng inuman sa paborito ko na namang place na cuppage (Wine Connection). Tanghali pa lang ng Saturday, nakikipagbuno na ko sa sakit ng ulo ko pero inabot pa din ako ng alas-tres ng madaling araw sa kalye. Enjoy ang reunion with Elaine and Eric, na sinamahan din ni Tonet and Wini. Hindi lang ako naging masaya sa topic namin around 2 AM, kasi mga multo experiences na ang usapan. Kaya suffering na naman ako pag dating ng bahay dahil pakiramdam ko may mumu akong kasama sa elevator habang paakyat ng bahay :(

Sunday - tulog ako hanggang tanghaling tapat. Nagluto ako ng makapa-amnesia sa sarap na fried rice na tinernuhan ng halabos na hipon. Isang busog na lunch. Followed by purchasing my ticket online for January 30 holiday. I'm excited dahil bumili na naman ako ng ticket para sa travel ko sa January, I can't wait for another week of vacation, soon. Salamat uli sa promo n Singapore Airline na nagamit ko na naman :)

Late afternoon, I watched Zombieland. Kakatuwang movie, matindi ang edranalin at talagang napapasiklot ako sa pagkakaupo. Bago pa lang pumasok sa sinehan, equiped with pain killers na ko dahil sa sakit ng ulo ko. Grabe talagang dumalaw ang sakit ko, kug kelan ako nagpapahinga, saka naman umi-style, hindi manlang makisama at hayaan naman akong i-enjoy ang weekend :(

They