And what about the ring on my thumb? There where I used to put my ring, sa hinlalaki. Nag-iisang ring ko lang yan dati. May mga curvings na Egyptian. Pero hiniram ni Kuya Dado noong year 2000 and hindi na nya binalik kasi nag-work na sya abroad. Surprisingly, suot pa din nya until now at hindi man lang nya inalis nung kinasal sya last 2007 sa Baguio.
Minsan nang hiniram sakin ang sing-sing na yan ng isang matalik na kaibigan, Miss M na lang ang itatawag ko sa kanya. Pero binalik nya din naman after one day. Umalis sya ng Pilipinas nung nalaman nya na papasok ako ng seminaryo last 1999. Love hurts! Love moves!
Yun namang sunglass, nahulog sa ulo ko habang nasa likod kami ng pick-up at kitang-kita ko na sinagasaan ng lintek na philippine rabbit on our way to Baguio.
Ang damit ko, considered as my coolest shirt during that time na pasalubong ni Mama from Hong Kong. Buhay pa sya until now at nasa bahay sa pinas.
My bag? It was my younger brother's (Ace) Adidas bag na nung nasira na nya, saka ko naman ginamit. I started using it in 1997, during our Baguio days pa. Naisama ko sya sa Rome and Israel. And sya pa din ang gamit ko dito sa Singapore for almost a year nung kadadating ko pa lang dito, year 2001. Yes, sya ang gamit kong bag papasok sa work. Until now, nandito pa din sya sa tabi ng bed ko.
Overall, this photo was taken in Talavera, Nueva Ecija during the Provincial Youth Day. Ako ang youth leader that time and dito ko din nakilala si Nanay Letty, ang foster parent ko na umampon sa akin ng dalawang araw na itinuring nya ako na bunso nyang anak since then.
4 comments:
mai says: hahahahahaha! parang new kids on the block ah! hahahahaha! teka bakit parang may goggles ka iba tuloy ang tingin nung lalake sa likod mo.conymsm
gusto nyang sumali sa amin. makulit ang batang yon. hindi na sya bata ngayon.
tess: parang nakalutang yung mga suot mo dito, grabe ngayon ko lang napansin ang laki na pala ng itinaba mo (LOL).
tess: para akong hanger noh? hahaha
Post a Comment