Ito ang isang taong horoscope. Guide lang ito ha!
ARIES (Marso 20-Abril 19) Hindi magtatagumpay ang itatayo mong bagong negosyo. Hindi magkiklik sa masa ang itatayo mong toll gate sa eskinita.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) Iwasang magsuot ng damit na kulay pula dahil hindi mo naman birthday. Baka may magpalibre sa ‘yo. Green na lang ang isuot mo.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) Huwag magdamot. I-share ang Abante TONITE sa iyong mga kaibigan. I-share din ang gamit tulad ng toothbrush at underwear.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 20) Sa mga babaeng matataba, huwag tatabi o uupo sa tabi ng driver dahil gusto ng mga driver ang mga sexy at ayaw nila sa tabatsina.
LEO (Hulyo 21-Agosto 20) Huwag kumain ng karne, isda, gulay at prutas. Huwag ding uminom ng softdrinks, kape, juice at tubig. Higit sa lahat, huwag magpapagutom.
VIRGO (Agosto 21-Setyembre 22) Para sa mga may asawa, bawas-bawasan ang paggamit ng lipstick dahil nagmumukha ka nang mga labi na tinubuan ng mukha at kamay.
LIBRA(Setyembre 23-Oktubre 22) Huwag maglaba, baka umulan bukas. Kung hindi bukas, next month. Kung hindi next month, baka next year. Kung sigurado ka na next year pa uulan, maglaba ka na.
SCORPIO(Oktubre 23-Nobyembre 22) Marami kang gagastusin ngayong taon. Matutong magtipid. Kung hindi marunong, huwag na lang magtipid. Gumastos ka na lang.
SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 22) Para sa mga sanggol… dahan-dahan ang pagdede sa gatas ng ina at magtira kay tatay para sa kanyang kape.
CAPRICORN (Disyembre 23-Enero 19) May magandang prediksyon. Makakapagtrabaho ka sa UK laundry shop sa may Quiapo. Huwag kalimutang magpadala sa mga kamag-anak.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 19) Para sa mga bading… maganda ang prediksyon para sa iyo. Babae ka na sa susunod mong buhay. Babaeng pusa.
At ang favorite ko:
PISCES(Pebrero 20-Marso 19) Hindi mo na makikita ang hinahanap mo. Huwag mo nang pagurin ang sarili sa paghahanap. Lucky day… kahapon.
1 comment:
hahahhahah....
omoshiroi..
ob.
Post a Comment