Thursday, September 18, 2008

May bago na naman akong blog?

Actually, wala akong blog site. Meron akong Multiply site na nakakapaglagay ako ng saloobin ko once in awhile, pero hindi naman blogger site ang Multiply kaya naisipan ko na i-revive uli ang blogspot page ko.

Lately, masyado akong napa-praning sa magiging activities ko sa Pinas this coming December (I already purchased my ticket going home). Ang lagi ko kasing problema, hindi ako makadiskarte ng sarili kong lakad. Unang-una, nanghihinayang naman ako kapag hindi ko kasama ang buong pamilya. Pangalawa, hindi ako sanay magpunta ng Manila. At may pangatlo at pang-apat pa akong mga excuses ......

So far, iniisip ko to spend my first week with my family. Maganda sana kung mailibot ko ang mga pamangkin ko sa kiddie place, Enchanted Kingdom. Ideal din na sa Tagaytay kami umuwi sa gabi to spend the next day there. And finally, shopping sa Manila.

And on my second week, parang gusto kong pumunta sa ...... SAGADA! (sample image on top)
Mula ulo hanggang paa ang inggit ko sa mga tao na nakita na ang majestic lugar na to. Tapos ang dami pang forum na puro magaganda lang ang nababasa ko.

Sa January 2009 .... babalikan ko ang blog na to para i-rate ang plano ko na mag-out-of-town with my family and at the same time kung natuloy ba ang meeting ko with my ever kinahuhumalingang Sagada.

At ito ang unang entry ko sa aking blog ..... Ang mangarap.

1 comment:

Manuel Ángel Ortega Carriles said...

Si, ¡me gusta la cultura asiática!
Un cordial saludo.

They