Monday, February 22, 2010

Sudden Trip to Surabaya

I flew to Surabaya Indonesia on Feb. 18-22, 2010 to sympathized the loss of my good friend's father. Dumating ako sa Surabaya ng 11:30PM at inabot lang ang paghahanap ko ng 2 minutes bago ko nakita ang sundo ko. It was Joe and his brother. I have prepared myself for a nights of puyatan, pero I was surprised na iniiwan pala nila ang diseased relative sa wake area sa gabi. Umuuwi sila ng bahay at binabalikan na lang sa susunod na umaga. Halos hindi ako makapaniwala na walang kasama ang father nya or nagbabantay na kamag-anak man lang sa gabi. Pero ito daw ang culture nila, kaya I learned to adopt their belief.

Madaming first time na nangyari saken during this short trip, it was a culture exploration at the same time. Ito ang first time ko sumakay ng airplane na walang dalang camera, because it is not something I would love to be remembered at all. First time ko nag-travel na basta ko na lang kinuha ang kahit na anong available backpack ko na nilagyan ko ng mga black shirts and 2 white shirts. Dito ko nakita kung pano ba magluksa ang mga Chinese, dito ko nasubukan na mag-pay ng respect sa yumao sa pagba-bow sa harap ng coffin, and in return, magba-bow din saken yung kamag-anak nung namatay.

2 whole days din akong nasa wake, at hindi ko namalayan na tumatakbo ang maghapon, to think na nakaupo lang ako at wala halos nakakausap but few people na nakakapag salita ng English. Joe has 2 nieces (8 and 3 yrs old) and 1 nephew (3 yrs old), and sila ang kasama ko halos sa maghapon. Para akong instant daddy na hindi ko din naman mai-explain kung bakit sila nakakapit saken all the time to think na hindi kami nagkakaintindihan.

Parang part ako ng family ni Joe dahil na din sa dalas ko silang makasama, at dahil na din walang kaibigan si Joe sa Indonesia kaya napilitan akong lumipad para makiramay. In fact, nakikiramay din saken yung ibang tao na dumadating, ini-introduce ako sa mga kaibigan nila and never ako naging bisita. Most of the time, nakaupo lang ako sa isang sulok habang nakikipaglaro sa tatlong makukulit na bata and once in awhile lumalapit si Joe sa table ko to ensure na may kinakain ako. Si Thais (future brother in law ni Joe from Netherlands) ang madalas ko kausap kasi isa sya sa foreigners and nakakapag-usap kami ng English.


Parang restaurant sa wake, may mga tables na may ready foods na nakalagay. May at least 5 mineral waters, at least 5 pieces of bread, may nilagang mane, may pumpkin seed, at kapag lunch na, nagse-served sila ng masarap na lunch sa mga taong nakikiramay.

Halos walang iyakan, in fact, naka-smile most of the time ang family ni Joe. Hanggang sa pagdating ng burial, malungkot lang ang mga muka nila pero walang nagsisisigaw na kagaya ng sa pinas. Kung hindi ako nagpigil ng sarili ko, mas malamang na ako pa ang may pinaka madaming luhang maiiyak. Hanggang sa pagdating sa libing, nakayakap saken ang mga pamangkin ni Joe, habang humahakbang ako sa mga nitso papunta sa grave ng daddy nya, bitbit ko si Fernando (3 yrs old). Hindi nya alam ang nangyayari, pero ramdam ko na na nalulungkot sya. Somehow, sya na din ang naging diversion ko para huwag ako masyadong maging affected ng libing na nakikita ko. I have to be very careful when walking and jumping over other graves or else madadapa kami pareho, may mga yaya naman sila pero ako na ang naging yaya muna nila ng ilang araw. If without the three kids, I'm sure magiging napaka lungkot ang wake ng daddy ni Joe.

Natapos ang libing .... Afterwards, nagpalit na ng red shirt ang buong family. Ikakasal kasi ang bunsong kapatid ni Joe sa May, and surprisingly, alam din nila ang sukob concept. It was the reason why they changed to red shirt, para daw i-welcome na ang happy moments ahead. Nasa cemetery pa lang, nagpalit na sila lahat ng red shirt. Kaya dumating kami sa isang famous restaurant na nakapula sila lahat, this was after the burial and where we had a good lunch.

After the lunch, umuwi na ng bahay para magpahinga. I had a power nap after taking a very good shower, na sinundan na ng dinner. Parang walang nangyaring libing that day. Pero alam ko at kitang-kita ko sa mga ngiti nila yung napakalaking bahid ng kalungkutan.

Dumating ako sa Surabaya last Thursday (Feb 18, 2010)night na may dalang isang kaban sa balikat ko, isang problema na pansamantala ko munang iniwan sa airport ng Singapore. Malungkot ang inabutan ko sa Indonesia, pero ito ang naging daan para makatakas ako pansamantala sa napaka bigat na pasan-pasan ko. Feb 22, 2010 - 6:05AM, lumipad na uli ang China Airlines na maghahatid sakin sa Singapore ...... Nakatanaw lang ako sa bintana all throughout the flight. Uminom lang ako ng tubig at hindi ko man lang nagalaw ang breakfast na paborito ko pa naman. Nakatulala ako kasi naaawa ako sa naulilang pamilya ni Joe. Nakatulala ako kasi sa loob lang ng ilang oras, bubuhatin ko na naman ang isang kaban at ipapatong ko na naman sya sa balikat ko.

Hindi ko alam kung sino at ilan ba ang nakakabasa ng blog na to. Ang alam ko lang, kaibigan kita at kaibigan mo din ako. Ang pakiusap ko lang, sana hayaan mo na lang na ikaw ang makaalam ng kung ano man ang mga mababasa mo dito. At nakikiusap na din ako sayo, na isama mo naman ako sa dasal mo bago ka matulog na sana maging matatag ang balikat ko sa napaka bigat na papasanin ko ng pang HABANG-BUHAY.

They